Connect with us

Entertainment

Jolina Magdangal Naging Emosyonal Ng Malaman Ang Ginawa Ng Kanilang Driver

Published

on

Batid nga naman natin na malaki ang nagiging ambag at tulong ng ating mga kasambahay pagdating sa mga pang araw-araw na gawain natin sa ating mga buhay.
Sa mga artista ay normal na ang mayroon silang peronal assitants, maid, yaya at driver na nagiging katuwang nila sa mga pangangailangan nila upang mapabilis ang gawain nila sa loob ng isang araw.

Ngunit sa panahon ngayon, ay mahirap na ngang makakita ng kasambahay o driver na talagang maaasahan at mapagkakatiwalaan dahil sa dami ng mga naloloko at napagsasamantalahan.
Isa ang host-actress na si Jolina Magdangal sa mga maswerteng artista na nakatagpo ng driver na talaga namang maaasahan niya.

Sa isang espesyal na episode ng morning talk show na “Magandang Buhay”, ay hindi napigilan ni Momshie Jolina ang mapaluha ng makapanayam nila dito ang kanyang long-time driver na kung tawagin niya ay si Tatay Orly Sebolino.

Kasama ni Tatay Orly sa kanyang panayam sa Magandang Buhay ay ang kanyang asawa at mgama anak. Kaya naman nagkaroon din ng pagkakataon na magbahagi ng ilang kwento ng buhay na malayo sa kanyang asawa ang Misis ni Tatay Orly.

Ayon sa Misis ni Tatay Orly ay may mga pagkakataon daw umano na mas pinipili pa ng kayang asawa (tatay Orly) na manatili na lamang sa amo nito (Jolina Magdangal) upang pagsilbihan ito, kaysa ang umuwi sa kanilang probinsiya sa Cebu para makasama sila.

Nang marinig naman ni Momshie Jolina ang kwento na ito ng misis ni Tatay Orly ay hindi napigilan ng Tv host-actress ang mapaluha dahil sa sakripisyong ginagawa ng kanyang driver na malayo sa pamilya nito upang manatili lamang na mapagsilibihan sila.

“Kasi naka-ilang kasambahay na ako, hindi ko talaga maibigay yung tiwala ko, yung kakayahan kong intidihin.”“Pero si Orly, nagpa-iba-iba na kami ng kasambahay niya, alam niya kung ano ang pakiramdam ko, alam niya kung paano ako titimplahin. Kaya minsan, pag may bago kaming kasambahay, siya na nagtetrain.”
Ibinahagi rin ni Momshie Jolina na natuwa siya ng malaman kung paano sila pinapahalagaan ni Tatay Orly.

“Natutuwa ako sa sinabi mo ngayon ko lang narinig yan, na may ganyang rason pala siya.”
Hindi na nga bago pa si Tatay Orly kay Moshie Jolina dahil sa tagal nito ng paninilbihan sa kanila bilang isang driver ay talaga namang itinuturing na nila itong kapamilya.

Ayon naman kay Tatay Orly ay si Momshie Jolina ang tumulong sa kanya upang maipagawa ang bahay na mayroon sila ngayon sa Cebu.At upang pasasalamat ni Momshie Jolina sa paninilbihan sa kanila ni Tatay Orly ay nagdesisyon ito na sagutin na lahat ng family expenses ng pamilya sap ag-uwi ng mga ito sa Cebu, kasama na rin umano dito ang pocket money ng mga ito.

Nagbigay kasiyahan din para kay Tatay Orly ng sabihin ni Mmshie Jolina na papayagan niya si Tatay Orly na bumisita sa kanila sa Cebu kung saan ay sasagutin niya din ang magiging gastos nito, at babayaran niya pa rin ang sahod nito.

Nagbigay rin si Momshie Jolina ng kanyang appreciation message para kay Tatay Orly, at sa pamilya nito.“Ito ay pagbibigay halaga para sa pagbibigay mo sa akin ng halaga. Ibinabalik ko lang ang loyalty mo sa akin, at asahan moa ng pamilya mo.”

“Promise ito, Orly kahit anong mangyari, pamilya mo, pamilya ko…..isang pamilya tayo.”
“Salamat sa lahat ng pagmamahal at tulong mo sa akin.”
Marami nga naman sa ating mga manonood ang nakarelate sa maayos na samahan nina Momshie Jolina at tatay Orly bilang mag-amo. Mahalaga nga naman na tratuhin natin ang ating mga kasambahay ng maayos at may respeto, lalo na kung nakikita at nararamdaman din natin kung paano nila tayo pahalagahan at respetuhin.