Connect with us

Showbiz

Joross Gamboa Ibinahagi Kung Paanong Paraan Ang Pagdidisiplina Sa Kanyang Mga Anak

Published

on

Tunay nga naman na hindi madali ang maging isang magulang, dahil kaakibat nito ang napakalaking obligasyon natin sa ating mga anak. Ngunit sa kabila ng hindi pagiging madali ang obligasyon ng isang magulang, ay marami pa rin sa atin ang naghahangad na maranasan ito lalo na’t isa ngang napakagandang biyaya sa buhay ng isang nilalang kapag siya ay biniyaan na maging isang magulang, dahil hindi nga naman lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na ito’y marasan.

Sa buhay mag-asawa nga ay iba’t iba ang kakayahan ng isang ama’t ina ng pagpapalaki sa kanilang mga anak. Ngunit magkaiba man ng pamamaraan ay batid natin na ang tanging hangad lamang nila ay ang magabayan ng maayos ang kanilang mga anak, at mapalaki ito na nasa tamang landas.
Samantala, ang aktor na si Joross Gamboa ay isa na nga sa mga celebrity daddy ngayon, kung saan kamakailan lamang ay umani ng paghanga at papuri ang aktor dahil sa naging pagbabahagi niya kung paano niya pinapalaki at dinidisplina ang kanyang mga anak.

Ayon kay Joross, dalawang bagay ang kanyang isinasaalang-alang sa pagpapalaki ng kanyang mga anak, pinakauna na nga umano sa mga ito ay ang pagbibigay hangga’t maaari ng oras sa kanyang mga anak at ang masinsinang pansin at pakikipagsalamuha niya sa mga ito dahil batid niya na ang kanyang mga anak ay hindi habang buhay mananatiling bata.

Dagdag pa ni Joross, hangga’t may maibibigay kang oras sa iyong anak, maikling panahon man ito ay sulitin mo, dahil sa mabilis lamang lumipas ang panahon at hindi natin namamalayan na ang mga anak natin na dati ay kinakarga lang natin ay mga dalaga at binata na pala. Ibinahagi ng aktor, na sila ng kanyang asawa ay sinisigurado na may inilalaan silang oras sa kanilang mga anak, at hindi rin nila nakakalimutan na ituro at palakihin ang kanilang mga anak sa pananampalataya sa Diyos.

Iginiit rin ni Joross na sa pagpapalaki ng mga anak, ay hindi kinakailangan na palakihin ang mga ito sa mga materyal na bagay, dahil ang tanging mahala ay ang busugin ang mga ito ng pagmamahal at atensyon upang magkaroon ng magandang relasyon sa isa’t isa. Mahalaga rin umano na mapalaki ang mga anak sa pananampalataya, dahil ito ang pinakamagandng aral na maipapamana natin sa ating mga anak.

Saad pa ng aktor, para naman ihanda sa kanilang pagtanda at maging maalam ang kanyang mga anak sa buhay, ay tinuturuan niya ang mga ito ng mga simpleng gawaing bahay na makakayang gawin ng mga ito sa kanilang murang edad. Para naman sa aktor, gaano man kabigat ang obligasyon ng pagiging isang magulang ay maituturing niya itong biyaya, dahil sa kaligayahan na naibibigay ng kanyang mga anak sa buhay nila ng kanyang asawa.