Connect with us

Entertainment

Joseph Marco Ibinahagi Ang Challenge Sa Pakikipag Date Sa Kanyang Foreign Girlfriend

Published

on

Matapos ang halos 16-buwan na pagkawalay sa isa’t isa, aktor na si Joseph Marco at kanyang modelong Russian girlfriend na si Dasha Romanova magkapiling na muli ngayon. ito lamang nakaraan ay ibinahagi ng Kapamilya actor ang isang video clip kung saan makikita ang naging muling pagkikita nila ng kanyang nobyang si Dasha. Sa naturang video clip nga, ay masisilayan ang excitement at saya ng magkasintahan dahil matapos nga ang 16-buwan na pagka-miss nila sa isa’t isa, heto at magkasama na uli sila.

Maliban pa sa pagbabahagi na ito ni Joseph ng muling pagkikita at pagkakasama nila ng kanyang Russian girlfriend, ay ibinahagi rin ng aktor na hindi madali ang makipag relasyon sa isang babaeng iba ang nationality. Sa kabila nito, ayon kay Joseph, nakita niyang challenging at exciting ito.
“To be honest, I think challenging is fun, challenging is interesting, challenging is not boring.”
“That’s exactly what I want”, saad ng aktor.

Dalawang taon na ring nagdi-date sina Joseph Marco at kanyang Russian girlfriend na si Dasha Romanova, at kahit maraming bagay ang kanilang pagkakaiba lalo na pagdating sa kultura ay aminado naman ang aktor na marami siyang natutunan sa kasintahan lalo na pagdating sa personalidad nito na ibang lahi.

Pagbabahagi pa ng aktor, isa sa mga bagay na kanyang natutunan sa foreign girlfriend niya ay ang kung paano mag-adjust at huwag ma-frustrate sa mga bagay na hindi nila mapag kasunduang dalawa, ganun din kung paano ang pag-kontrol sa iyong emosyon.

“You get to know little by little each day, and these teaches you so much about life, like how to adjust or not easily get frustrated when things don’t go exactly go your way or how to learn to control your emotions”, ani nga aktor.

Dagdag na saad pa ni Joseph Marco, sa pakikipagrelasyon ay mas maganda na kayo ng iyong kasintahan ay parehong nasa tamang edad na, dahil mas nagwowork ito sapagkat naroroon na ‘yung pareho na kayong mas mature at mas responsible.

“Making a relationship work become easier, especially when your already at the right age, this is because you no longer have distractions compared when you were younger and still have lot to prove, you already know what you want in a relationship , you’re now more responsible and mature in terms of handling disagreement.”