Showbiz
Judy Ann Santos Ayaw Sa Mga ‘Luxury Bags’ Nanghihinayang Sa Pera

Batid natin na marami sa ating mga hinahangaang artista sa industriya ng showbiz ang may kani-kanilang mga koleksyon ng mamahaling bags o kung tawagin nga ay mga ‘luxury bags’. Sa ibang mga artista ay investment ang pangongolekta ng mga luxury bags ito ay dahil sa talaga namang ang mga ito ay napaka-mahal at may iba pa nga na umaabot sa milyon ang halaga.
Kung ang iba ngang mga aktres ay pinagkakaguluhan at kasiyahan ang pangongolekta ng mga luxury bags, hindi naman nabibilang sa kanila ang aktres na si Juday o Judy Ann Santos.
“Pwede naman ako sa bayong, katsa bag o sa eco bag”, ito ang naging pahayag ng aktres, chef at celebrity mom na si Juday kamakailan lamang ng ibahagi niya kung bakit hindi siya mahilig na bumili o mangolekta ng mga luxury brand bags.
Tulad ng maraming kababaihan, aminado naman si Juday na nais din niya talaga ang mga luxury bags, ngunit sa kabila nito ay hindi niya hilig ang bumili at mangolekta nga ng maraming mamahaling bags na ito. Ayon kay Juday, bagamat gusto niya ang mga luxury bags, ay nanghihinayang siya sa perang ibibili niya sa mga ito, lalo pa’t hindi naman talaga biro ang halaga ng isang luxury bags dahil kung hindi daang libo ang iba nga nito ay inaabot pa ang presyo sa milyong piso.
Pagbabahagi pa ng aktres, mas gugustuhin niya pang ibili ng pagkain o kaya ay ipang gas sa sasakyan ang perag ibibili niya ng mamahaling bag. Nagbiro pa siya na pwede na sa kanya ang katsa bag o bayong. “Mahilig ako, pero hindi ko kayang bumili. I mean, hindi kaya ng puso ko. Nanghihinayang ako sa pera. Kasi bag lang siya. Pwede naman ako sa bayong, o sa katsa bag, o sa eco bag.”
“Kaya ko bumili ng branded bags basta installment… Iba-iba talaga tayo. Pero sa akin.. bibili na lang ako ng pagkain, or ipa-gas ko na lang ito sa sasakyan”, ani ni Juday.
Ayon naman kay Juday mayroon din siyang luxury bags na binili para sa kanyang sarili, pero installment nga umano niya itong binili. Dalawa umano ang kanyang mamahaling bags, ito ay ang kanyang brown carryall Hermes at isang black classic flap bag na Chanel naman ang brand.
Saad pa ng aktres, ang mga bags niyang ito ay talaga namang nagagamit niya saan man siya magpunta dahil bumabagay ito sa kahit anong damit na isuot niya sapagkat neutral nga ang mga kulay nito. Dagdag pa niya labis talaga siyang nanghihinayang sa ibibili ng luxury bags, dahil nga ang halaga nito ay umaabot sa P400,000 pataas, na kung iisipin ay napakarami ng grocery na mabibili at ilang litro na ng gas ang maiga-gas niya sa kanyang sasakyan sa halagang ito.
“Ang mahal mahal naman kasi. P400,000 para sa isang bag – Panginoong Diyos ko naman! Ang daming grocery na nun, ang daming truffle oil na nun”, ani pa ni Juday. Labis namang iniingatan ni Juday ang mga luxury bags niya na binili dahil nais niya na maipamana niya ito sa kanyang mga anak.
