Showbiz
Juliana Palermo Ipinakilala Ang Kanyang Non-Showbiz Foreigner Boyfriend

Pangarap ng isang babae ang makasal sa taong kanyang minamahal, yung taong alam niyang makakasama at makakatuwang niya habang-buhay sa hirap man o ginhawa. Kaya naman ang aktres na si Juliana Palermo ay hindi maitago ang kasiyahan ngayong ang pangarap niya na ma-ikasal sa taong kanyang minamahal ay nabigyan na ng katuparan. Dahil nito nga lamang nakaraan ay ikinasal na ang aktres sa kanyang non-showbiz foreigner boyfriend.
Si Juliana Palermo ay isa sa mga sikat na “sexy star” sa industriya ng showbiz, na umarangkada ang karera noong taong 2000’s. Ang kanyang kagandahan at kaseksihan ang naging puhunan niya sa mundo ng showbiz, ngunit pinatunayan niya na mahusay rin siya sa pag-arte kaya naman marami ring mga proyekto ang kanyang kinabilangan.
Hindi naman nagtagal ay pinili ni Juliana na iwan ang pag-aartista, ngunit kahit na wala na nga sa mundo ng showbiz, ay napapanatili pa rin niya ang taglay niyang kaseksihan.
Kahit naman matagal ng wala sa industriya ng showbiz si Juliana, ay patuloy pa rin ang pagbibigay update niya sa kanyang buhay sa mga tagahanga niya. Makikita sa social media ng dating aktres ang naging pagiging bukas niya sa publiko ng kanyang buhay, pati na rin ang buhay pag-ibig niya.
Makikita nga sa mga ibinabahaging larawan ni Juliana na ang lalaking kanyang minamahal at nagbibigay ngiti sa kanyang labi ay ang foreigner boyfriend niyang si Joel Crabtee. Samantala, nito nga lamang ika-31 ng Agosto ay masayang ibinahagi ni Juliana sa kanyang Instagram account ang magandang kaganapan na naganap sa kanyang buhay at ito nga ay ang naging pag-iisang dibdib nila ng kanyang nobyo.
Ikinasal na nga si Juliana sa non-showbiz foreigner boyfriend niyang si Joel Crabtee at makikita nga sa mga larawan na ibinahagi ng dating aktres kung gaano naging kasaya ang pag-iisang dibdib nila lalo pa’t dinaluhan ito ng kanilang mga kapamilya.
Ang kasal ni Juliana at Joel Crabtee ay ginanap sa Cancun, Mexico, at masisilayan ang pagiging simple ng wedding dress ng bride ngunit taglay pa rin ang kagandahan nito. “Everything I prayed for. #HiCrush I let go and loved myself… First.. this is ultimately what lead me to a man who accepted all of me. This moment made sense of all it”, ang naging pahayag ni Juliana sa kanyang caption kalakip ang mga larawan na kuha sa kasal nila ng nobyo.
Sa isa pang larawan na ibinahagi ni Juliana ay makikita naman na ito ay ang kanilang family picture, kung saan ay kasama ng bagong kasal ang panganay na anak ni Juliana na si Ace Christian, at ang kanilang isang taong gulang na anak ng kanyang asawa na si baby Jack Alexander.
Matatandaan na noon lamang ika-2 ng Agosto ng mag-propose si Joel kay Juliana, at makalipas nga ang ilang linggo ay nagpakasal na ang dalawa.
Sa kasalukuyan ay nasa bansang Mexico si Juliana at Joel kasama ang kanilang pamilya. Ang masayang bakasyo nila sa naturang bansa ay talaga namang sinusulit nila bago nga sila magbalik sa Pilipinas, kung saan sila ay didiretso sa hometown ni Juliana sa Davao.
