Connect with us

Entertainment

Kakai Bautista Ibinahagi Kung Paano Niya Ginawang Inspirasyon Sa Buhay Ang Maging Isang Assistant Lamang Noon Ni Lea Salonga

Published

on

Kamakailan lamang ay muling binalikan ng actress-comedian na si Kakai Bautista, ang kanyang buhay noong taong 2000 kung saan, siya ay iisa pa lamang wardrobe assistant ng batikang mang-aawit na si Lea Salonga.

Sa kanyang Instagram ay muli ngang inalala ni Kakai, ang mga panahon na assistant pa lamang siya at ito ay sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng lumang larawan kung saan ay kasama niya ang batikang singer.

“It’s been almost 20 years ago since I had the privilege to serve the one and only LEA SALONGA,” ang caption na nilagay ni Kakai sa larawan.

Ayon kay Kakai, ang larawang kanyang ibinahagi ay kuha ng mga panahong ang batikang singer ay nasa musical pa na “They’re Playing Our Song”, kung saan ito ay napapanood noon sa AFP Theater sa Camp, Aguinaldo Quezon City.

Kwento ng comedian-actress, hindi biro ang trabaho niya noon bilang isang wardrobe assistant ni Lea Salonga dahil halos anim na araw sa isang linggo sa loob ng halos ilang taon ang kanyang trabaho ay magplantsa at magbitbit ng mga costume at undergarments na gagamitin ni Lea.

Siya rin umano ang responsable sa mabilisang pagpapalit ng damit ng singer sa tuwing nasa isang show ito.

 

Pagbabahagi pa nga ni Kakai, kung kanyang babalikan nga ang buhay niya noon ay talagang mahirap ito dahil halos naranasan niya ang maglakad mula sa EDSA patungo sa AFP Theater. Naranasan din umano niya ang nalipasan ng gutom, o kaya naman ang magshare sila ng kanyang kaibigan sa isang instant cup noodles.

May pagkakataon rin umano na talagang hindi na siya nakakain para sigurado lamang na may pamasahe pa siyang matitira para makauwi siya sa Laguna. At ayon pa sa nga kay Kakai ay naranasan din niyang hanapin ng “Cubao Shoe Export”, na hindi gumagamit ng Google or Waze.”

Samantala, ibinahagi din ni Kakai na sa dami ng pinagdaanan niyang pagsubok noon sa kanyang buhay ay minsan na rin niya umanong naisip na sumuko na lamang, pero ang kanyang boss ang nagbigay liwanag sa kanya sa mga panahong siya ay nasa madilim na parte ng kanyang buhay.

Ang magandang boses ng kanyang boss na si Lea Salonga, ang isa na rin umano sa nagbibigay buhay sa diwa ni Kakai noon, isa ito sa mga naging motivation niya noon upang mas lalo pang pumasok sa trabaho sa kabila ng pagod at hirap.

“I got to sing and dance off stage with her during show.”
Kwento pa nga ng comedian-actress, sa tuwing may show si Lea Salonga ay talagang napapakanta at indak siya sa backstage sa tuwing naririnig niya itong kumakanta.

Ibinahagi rin ni Kakai sa kanyang post kung gaano siya ka-grateful sa narating niya ngayon sa kabila ng mga pinagdaanan niyang hirap sa buhay. Hindi rin umano niya makakalimutan at “she will treasure forever” ang pagiging wardrobe assistant niya nsa isang Tony Award-winning singer na si Lea Salonga.