Connect with us

Inspiring

Kakaibang Karanasan Ng Isang Doktora Sa Checkpoint Ikinatuwa Ng Mga Netizens

Published

on

Kahit pa nga ba, patuloy pa rin ang mga problema at krisis na kinakaharap ng ating bansa dahil sa krisis, ay hindi naman mawawala sa mga Pilipino ang magkaroon ng mga kwentong nagbibigay ng inspirasyon sa lahat.

Tulad na lamang ng isang kaganapan na nangyari sa isang checkpoint na talaga namang ikinatuwa ng marami. Ibinahagi ng isang doktora ang kanyang nakakatuwang karanasan sa isang checkpoint.

Kwento ni Dra. Imelda Macayra Ibarreta, na nagmula sa Davao City pauwi na daw sila ng kanyang asawa galing sa hospital kung saan siya nagdu-duty, ng mapapatigil ang kanilang byahe dahil naharang sila ng isang checkpoint.

Dito nakatagpo ng Dra. ang asawa ng kanyang isang pasyente, na isa sa mga frontliner at bantay sa nasabing checkpoint. Sa isang gilid ng kanilang kotse, ay may pumunta ng isang pulis at ito ba ay ang asawa ng kanyang pasyente na kapapanganak lamang.

ikinatuwa ng Dra. na sa kabila ng panganganak ng asawa nito at nananatili pa rin sa hospital ang misis, ay nakaduty pa rin ito sa checkpoint at patuloy na ginagampanan ang nakaatas na tungkulin sa kanya.

Ayon naman sa Pulis, hindi na siya makapag leave ang mabisa at mapantayan ang nanganak na asawa dahil naubos na niya ang mga ito, kaya naman siya ay nanatiling nakadutu sa checkpoint kahit pa nga ba nasa hospital at nanganganak ang kanyang asawa.

Sa naging kwento ngang ito ng lalaki, ay naantig niya ang puso ng Dra., kaya naman nagdesisyon ang nasabing doktor na gawin na lang libre ang kanya PF sa ginawa niyang pagpapa-anak sa misis nito.Malaki nga naman ang tulong nito sa pamilya ng pulis at sa asawa nito, dahil makakabawas ito sa mga gastusin at bayarin na kanyang iniisip.

Masaya ring ibinalita ng Dra. sa pulis, na ligtas at maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina, na talaga namang ikinatuwa nito. Dahil sa sobrang tuwa at saya na nararamdaman ng frontliner, ay agad niyang tinawag ang kanyang mga kasamahan sa checkpoint at ipinakilala sa mga ito ang butihing Dra. na nagpaanak sa kanyang asawa.

Matapos na naman marunong ng kanyang mga kasamahan, na nakapanganak na ang kanyang asawa ay agad siyang binati ng mga ito. Sa kanyang tuwa naman sa mga frontliner na pulis, ay inalok ito ni Dra. Ibarreta ng mga pagkain, ngunit ayon sa mga ito ay marami na silang pagkain sa kanilang lamesa. Kaya naman imbis na pagkain, ay ang imported na kape na mula sa kanyang kaibigan na lamang ang ibinigay niya sa frontliner.

Ng makita at mapansin namam ng mga frontliner na nakabalot pa ng wrapper ang ibinigay na kape sa kanila ng doktora, ay kinantahan nila ito ng “Happy Birthday” sa kalagitnaan ng gabi sa pag-aakalang kaarawan nito. Natawa na lamang ang doktora sa pangyayaring ito, at sa kakaibang karanasan na naranasan niya sa checkpoint.