Showbiz
Kamustahin Ang Ngayon Buhay Ng Dating Co-Host Ng Eat Bulaga Na Si Toni Rose Gayda

Natatandaan niyo pa ba si Toni Rose Gayda? Isa sa mga personalidad na madalas nating napapanood sa telebisyon. Heto na pala ang kanyang buhay ngayon. Taong 2016 ng mag-umpisa bilang co-host ng Eat Bulaga si Toni Rose Gayda. Siya nga ang nakikita natin na madalas nakakatambal sa segment na Bulagaan Olympics ng host din ng nasabing programa na si Allan K.
Nakasama rin siya noon ni Allan K sa Philippine television karaoke games show ng GMA na ‘All Star K.”
Maliban sa pagiging isang TV host, ay isa rin siyang aktres, nagkaroon siya ng pagkakataon na umarte sa telebisyon, kung saan ay napanood siya sa ilang mga palabas tulad na lamang ng Pak! Pak! Dr. Kwak! (2011), Dalawang Mrs. Reyes (2018) at Love to Love (2003).
Iniwan niya ang pagiging co-host ng Eat Bulaga matapos ang ilang taon. Marahil marami sa atin ang hindi pa lubos na nakaka-alam ng ilang detalye patungkol sa personal na buhay ni Toni Rose.
Si Toni Rose Gaya ay may dugong Egyptian, French, Polish at American. Siya ay anak ng dating Red Cross Governor at aktres na si Rosa Rosal. Hindi naman maikakaila na may malaki rin silang pagkakahawig ng kanyang ina.
Hindi nga lamang siya mahusay pagdating sa hosting, dahil may taglay na galing rin siya sa pagkanta, at ito nga ay madalas niya ring naipapamalas noon sa Eat Bulaga. Si Toni Rose Gayda ay isinilang noong ika-31 ng Agosto taong 1958.
Sa kabila nga ng hindi na na natin nasisilayan sa Eat Bulaga si Toni Rose, ay nagagamit pa rin nito hanggang ngayon ang kanyang pagiging isang host. Nagho-host siya ngayon sa A Song of Praise Music Festival na isang gospel music competition sa UNTV kasama ang singer na si Richard Reynoso.
