Connect with us

Showbiz

Kapuso Actress Bea Alonzo Ibinandera Ang Pagiging Fit At Seksi

Published

on

Kung ang pag-uusapan ay matagumpay na karera sa industriya ng showbiz, ay kabilang nga sa mga iyan ay ang Kapuso actress na ngayon na si Bea Alonzo. Batid naman ng marami sa atin kung gaano kahusay at galing si Bea bilang isang artista, kaya naman isa rin siya sa mga award-winning actress sa larangan ng pag-arte.

Puno ng pagpapala at biyaya ang lumipas na taong 2021 para kay Bea, ito nga ay dahil sa buong puso siyang tinanggap ng Kapuso Network at kaliwa’t kanang mga proyekto ang inilaan para sa kanya. Sa nasabing taon din ay maraming magagandang nangyari sa buhay ng aktres, lalo na nga sa kanyang karera.

At sa pagpasok nga ng bagong taong 2022, ay tila nga mas lalo pang bumubuhos ang pagpapala sa Kapuso actress, ito nga ay dahil sa siya ang napili bilang Calendar Girl ng isang popular na brand ng inumin sa ating bansa.

Talaga namang napabilib ang maraming mga tagahanga at tagasuporta ni Bea ng lumabas ang ulat na ang aktres ang magiging Calendar Girl ng sikat na inuming rum brand na Tanduay para ngayong taong 2022. Kasabay pa nito ay ang naging paglabas ng mga nagagandahan at nagseseksihang larawan ni Bea, kung saan kuha na nga ito sa naging shoot nila para sa pagiging Calendar Girl niya.

Bilang isa ngang calendar girl, ay inasahan ng marami ang ipamamalas na kaseksihan ni Bea, at ng ilabas nga ng Tanduay sa Facebook page nito noong ika-23 ng Nobyembre noong nakaraang taon ang ilang mga behind the scene footage sa ginawa nilang farm-themed shoot ay kaagad ngang pinagkaguluhan at pinag-usapan ng mga netizens ang mga video ng aktres dahil masisilayan nga rito ang hindi makapigil na hiningang kagandahan at kaseksihan nito.

Ayon kay Pam Quinones ang stylist na nag-ayos kay Bea at kay Mark Nicdao na siyang photographer at kumuha ng mga magagandang larawan ng aktres, sa proyekto nga na ito ng aktres, ay nais nilang ipakita ang ‘different side’ ng isang Bea Alonzo.m “She’s always been this giddy kikay girl who’s now more mature. And she’s really involved in her farm… we wanted to showcase that but in a more sophisticated, sexy manner. We wanted that side na La Dolce Vita”, ang naging saad nga ng stylist ng aktres na si Pam.

Upang bumagay naman sa tema nila ang mga ishu-shoot nilang larawan ng aktres, ay pinagsuot nga nila si Bea ng iba’t ibang mga seksing damit, may lingerie, two-piece swimsuit st summer dress na talaga namang nagpapalitaw ng kaseksihang taglay ng Kapuso actress.

Hindi naman maikakaila na sa mga awra na ginawa ni Bea ay naibandera niya ng lubusan ang taglay niyang kagandahan at kaseksihan na nararapat lamang bilang isang calendar girl. Samantala, naibahagi naman ng aktres kamakailan lamang na hindi ito ang unang pagkakataon na binigyan siya ng offer ng Tanduay na maging Calendar Girl nito, dahil una nga siyang inalok nito nung matapos niyang gawin ang proyekto niyang ‘One More Chance’ ngunit ng mga panahon na ‘yon ay tinanggihan niya ito sa kadahilanan na hindi pa siya handang magpa-seksi nung panahong iyon at tila hindi ito naka-align sa plano niya sa kanyang buhay.

At ngayon nga, sa ikalawang pagkakataon na nag-offer ang Tanduay sa kanya na maging Calendar Girl ay hindi na nga umano niya ito tinanggihan dahil handa na siyang magpaseksi at ramdam na umano niya sa kanyang sarili na ‘confident’ na siya. Dagdag pa niya, wala na rin umano siyang maisip na rason para tanggihan ang pagiging Calendar Girl.

“At that time, I wasn’t ready yet. I was at that point in my life where I wasn’t that confident yet, and parang hindi siya aligned sa kung anong gusto kong mangyari at that point in my life. “So, when I was asked the second time, everything was just falling into place. I felt empowered, I felt I was ready for change, and I was ready. I couldn’t really think of a reason why shouldn’t do it so I said yes”, ani Bea.