Connect with us

Entertainment

Kapuso Singer-Actress Gabbi Garcia Ipinasilip Sa Publiko Ang Kanilang Napakaganda At Maaliwalas Na Tahanan

Published

on

Isa sa mga hinahangaang personalidad sa telebisyon ngayon bilang isang singer at aktres ay ang Kapuso star na si Gabbi Garcia. ito ay dahil maliban sa kanyang husay at talentong taglay, ay isa rin siya sa mga aktres ngayon sa showbiz na may angking Pinay beauty.

Maliban sa pagiging isang actress-singer, ay pinasok na din ni Gabbi ang pagiging isang YouTuber, at ito rin ang kanyang paraan upang i-update ang kanyang mga tagahanga sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanyang buhay.

Samantala, marami naman sa mga tagahanga ni Gabbi ang nag-request sa kanya, na sana ay kanyang ipasilip ang kanilang tahanan sa pamamagitan ng isang video vlog, at upang bigyan kasiyahan ng ang mga sumusuporta sa kanya, ay bukas loob naman niya itong pinagbigyan.

Sa kanya ngang isang vlog, ay itinampok ni Gabbi ang house tour sa kanilang bahay.
Makikita nga sa naturang vlog ng Kapuso singer-actress na una niyang nakita ang istraktura sa labas ng kanilang bahay,

kung saan mapapansin na simple lamang ang disenyo nito. Saglit namang ipinasilip ni Gabbi, ang kanilang parking, na ayon sa kanya ay ipinagawa ng kanyang ama upang mayroon siyang paradahan ng kanyang van.Tingnan nga sa gallery na ito ang ilan pa sa mga bahagi ng tahanan nina Gabbi Garcia.

FOYER

Agad ang bumungad ang foyer pagpasok pa lamang ng tahanan nina Gabbi. Dito nga ay mapapansin na ang mga kagamitan dito magmula sa upuan hanggang sa mga tulugan ng kanyang mga alaga, ay tila naka-shell theme. Makikita rin ang ilang shell na naka-display sa bahagi na ito ng bahay ng aktres.

DINING AREA

Ang parteng ito umano ng kanilang tahanan ang pinagkakagastusan nila, dahil sa solidong kahoy ang makikitang dining table rito. Mayroon namang tropical glam theme ang parte na ito.

BAR AREA

May bar area rin sa may bahagi ng kusina nina Gabbi, kung saan ay dito naka-display ang koleksyon nila ng mga alak, kung saan ang iba nga ay regalo at bigay lamang sa aktres.

LIVING ROOM

Napaka-aliwalas naman ng living room ng tahanan nina Gabbi, kung saan ay makikita ang isang paikot na sofa na maaaring maupuan ng sampung katao.

POWDER ROOM

Naging napaka-elegante naman ng powder room dahil sa napakagandang chandelier na nagbibigay liwanag dito. Nakaayos rin ang mga kagamitan sa loob nito, kaya naman napakalinis nitong tingnan.

MAN CAVE

Ipinasilip rin ni Gabbi ang man cave ng kanyang ama, at dito nga ay makikita ang mgg motorcycle collection nito.

Bago nga tinapos ni Gabbi ang kanyang paunang house tour vlog, ay sinabi nito na magkakaroon pa muli ito ng part 2, kung saan ay ipapasilip naman niya ang kanyang walk-in closet. Kaabang-abang naman ito para sa mga subscribers at tagahanga ng aktres.