Connect with us

Entertainment

Kapuso Star Sofia Pablo Napupusuan Ng Mga Netizens Para Gumanap Bilang Dyesebel

Published

on

Sino ba naman ang hindi nakakarinig sa kuwentong Dyesebel, isa ito sa mga kuwento patungkol sa buhay ng isang serena. Ang Dyesebel ay isang uri ng kuwento ng pantasya, na kalaunan ay binigyang buhay sa telebisyon.

Nang bigyang buhay nga sa telebisyon ang kuwentong Dyesebel ay talaga namang tinangkilik ito ng maraming mga manonood, lalo na ng mga kabataan.

Marami nan gang mga aktres ang gumanap bilang si Dyesebel sa iba’t ibang henerasyon. Ilan sa mga mahuhusay at naggagandahang aktres na ginampanan ang pagiging serena na si Dyesebel, ay sina Eva Montes, Edna Luna (1953), Vilma Santos (1973), Alma Moreno (1978), Alice Dicson (1990), Marian Rivera (2008) at Anne Curtis (2014).

At ngayon na may bali-balita na naman na muling bibigyang buhay ang ‘Dysebel’ sa telebisyon para sa bagong henerasyon, ay marami namang mga netizens ang napapaisip at nagtatanong kung sino sa mga magaganda, seksi at mahuhusay na aktres ngayon ang bagay at may potensyal na gumanap bilang si Dyesebel.

Samantala, kamakailan lamang ay naging agaw-pansin ang Kapuso Teen Actress na si Sofia Pablo, ito ay matapos nga niyang magbahagi sa kanyang larawan kung saan ay makikita siyang nakasuot ng mermaid tail blanket at umawra na tila isang tunay na serena.

Sa post na ito ni Sofia ay nagsimula ngang pag-usapan ng mga netizens ang “Dyesebel”. Ilan ngang mga netizens ang nagbigay komento na napupusuan nila na gumanap bilang Dyesebel si Sofia Pablo, kung magkaroon man nga ng pagkakataon na muling maipalabas ito sa telebisyon.
Agad ngang nag-trending sa Twitter ang #SOFIA is the Next Dyesebel.

Nang hingan naman ng pahayag si Sofia patungkol sa mga naging reaksyon at komento ng mga netizens sa kanyang larawan na nagmala-sirena nga siya, ay inihayag ng aktres ang kanyang kasiyahan at pasasalamat dahil ayon nga sa kanya ay hindi niya inaasahan na dahil sa nasabing larawan ay mapupusuan siya ng marami na gumanap bilang Dyesebel kung ito man nga ay maipalabas muli.

Dagdag na saad pa ng Kapuso teen star, kung bibigyan man siya ng pagkakataon na mapili ngang gumanap bilang si Dyesebel ay buong puso niya itong tatanggapin. Si Sofia Pablo ay isa sa mga bumida at bumuo ng Kapuso series na pinamagatang “Prima Donnas.”