Connect with us

Entertainment

Kapuso Young Actor Joaquin Domagoso Matiyagang Pinagsasabay Ang Pag-Aartista At Kanyang Pag-Aaral

Published

on

Batid natin na hindi madaling pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho, ngunit sa kabila nito ay marami ang ginagawa ito lalo na ang mga working student. May iba ngang mga artista, na nagiging working student din dahil sa kabila ng magandang karera nila sa showbiz, ay nais pa rin nilang pagtuunan ng pansin ang kanilang edukasyon kaya kahit mahirap ay buong tiyaga nilang pinagsasabay ang pag-aaral at pagsabak sa trabaho bilang isang artista.

Kabilang na nga sa mga ito ay ang Kapuso young actor na si Joaquin Domagoso na kahit mahirap ang pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista ay buong tiyaga niya itong ginagawa. Pangako niya kasi sa kanyang amang si Manila Mayor Isko Moreno, na kahit pasukin niya ang showbiz, ay mas bibigyang prayoridad pa rin niya ang kanyang pag-aaral.

Kaya naman kahit aminado ang binatang aktor na hindi madali ang pagsabayin ang dalawa na parehong mahalaga sa kanya (pag-aaral at showbiz career), ay ginagawan niya talaga ng paraan. “It’s kind of hard kasi minsan same day ‘yung school ko and same day ‘yung parang workshop or work”, ani nga ni Joaquin, na siyang ka-loveteam ngayon ni Cassy Legaspi sa Kapuso Primetime Series na “First Yaya.”

Dagdag pa ng binatang aktor, “Thankful ako sa school ko na pinagbibigyan ako, binibigyan nila ng chance to work as an artist.” “Kinakaya ko naman po with school and other activities. Balance lang. Balace lang talaaga ang kailangan kung gusto mong maging matagumpay sa mga ginagawa mo. Time management”, ani pa nito.

Para pa nga sa binatang anak ni Mayor Isko Moreno, “Kapag Gusto May Paraan”, at naniniwala siya na kapag nagpursige at nagsipag ang isang tao ay maabot niya talaga ang kanyang pangarap.
Samantala, sa isang panayam naman sa binata ay sinabi niya noon na marahil kung hindi siya sumabak sa pag-aartista ay tatahakin niya ang career ng pagiging isang direktor, kasi isa ‘yon sa kanyang mga pangarap.

“Directing movies, I want to direct a sitcom one day. That’s my dream”, saad ni Joaquin.
Sa ngayon nga ay isa si Joaquin Domagoso sa mga young actor na napapanood natin sa Kapuso series na “First Yaya”, kung saan ay pinagbibidahan ito nina Sanya Lopez at Gabby Garcia. Katambal niya dito ang young actress na si Cassy Legaspi.