Connect with us

Entertainment

Karen Davila Bumisita Sa Mansyon Ng Mga Pacquiao Sa Makati At Hindi Inasahan Na Ipagluluto Ng Masarap Na Putahe Ni Sen. Manny Pacquiao

Published

on

Isa ang pamilya Pacquiao sa mga kilalang personalidad ngayon, hindi lang sa mundo ng showbiz kundi maging sa ating lipunan. Si Manny Pacquiao ay kilala bilang ang Pambansang Kamao at isang senador ng bansa, samantala ang kanya namang maybahay na si Jinkee Pacquiao ay iniidolo ngayon ng marami dahil sa pagiging fashion icon nito.

Hindi nga naman biro ang yaman ng mga Pacquaio,kaya naman isa sila sa mga pamilya na nagmamay-ari ng naglalakihang mga mansyon sa loob at labas ng ating bansa. Isa nga sa mga mansyon ng kanilang pamilya, na talaga namang kahanga-hanga ang ganda at kasalukuyan nilang tinitirhan ngayon na matatagpuan nga sa Makati City.

Nito nga lamang nakaraan, ay nagawang bisitahin ni Karen Davila, ang mansyon na ito nina Sen. Manny Pacquiao. At sa kanya ngang naging pagbisita sa naturang mansyon, ay hindi lamang ang laki at kagandahan nito ang kanyang ikinamangha, kundi ang naging bukaspalad na pagtanggap sa kanya ng pamilya ni Sen. Manny Pacquiao.

Ibinahagi ng broadcaster sa kanyang YouTube channel ang naging pagbisita niya sa Mansyon ni Senador Pacquiao sa Makati, at ang naging paglilibot niya sa mga bahagi ng naturang tahanan
“Papasukin ba ako nito o susuntukin ako? Ang naging bungad ni Karen Davila bago pa nga niya pasukin ang mansyon.

Agad namang namangha si Karen Davila sa mansyon na ito nina Sen. Manny, dahil sa talaga namang maliban sa taglay nitong ganda at makikitang karangyaan ay napakalawak pa nito. Napag-alaman niya na noon pang taong 2011 nagsimulang manirahan ang pamilya Pacquiao sa naturang mansyon.

Pagpasok naman ni Karen sa may hallway ng tahanan ng mga Pacquiao ay agad niyang napansin sa may dulo nito ang isang bible verse, Joshua 24:14 na nakalapat nga sa dingding ng pasilyo.
Sa naging panayam naman ni Karen kay Sen. Manny Pacquiao, ay naibahagi ng senador, na pagdating sa buhay pamilya, ay masasabi niya na malaki na ang kanyang naging pagbabago ngayon.

Ayon kay Sen. Manny, kung noon ay napapalibutan siya ng bisyo at wala siyang oras sa kanyang pamilya, ngayon ay madalas silang nagpa-family bonding ng kanyang pamilya lalo na tuwing weekends. Mas nae-enjoy na umano ngayon ng senador ang oras at panahon na inilalaan niya kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Maging ang mga anak naman ni Sen. Manny ay nakapanayam rin ni Karen Davila at ibinahagi nga ng mga ito sa kanya, kung ano klaseng ama ang senador at boxing champ.

Sa naging paglilibot ni Karen sa mansyon, ay isa sa mga ipinasilip ay ang opisina ng senador. Ipinakita rin niya ang hardin at swimming pool ng nasabing mansyon, na napakalawak naman talaga.
Kasama ang senador ay tinungo ni Karen ang kusina ng mansyon, at ito nga ay talaga namang namakaganda ay linis dahil sa all-white themed ito.

Ang hindi naman inasaha ni Karen, ay sa pagbisita niyang ito ay matitikman niya ang masarap na luto ni Sen. Manny Pacquiao, matapos siya nitong ipagluto ng escabeche. Dito niya din napag-alaman na bata pa lamang ang boxing champ at senador na si Manny, ay marunong na pala ito magluto.
Inamin naman ni Karen na hindi siya marunong magluto, na ikinagulat nga ng senador.