Connect with us

Entertainment

Karen Davila Ipinasilip Ang Kanyang Masayang Arctic Adventure Kasama Ang Pamilya

Published

on

Talaga namang napakasarap ang magbakasyon, ‘yong tipong magtutungo ka sa isang magandang lugar upang makapag-relaks at makapag-unwind. Ngunit mas doble nga ang enjoyment kung buo kayong pamilya na magbabakasyon at magre-relaks sa napakaganda at relaxing na lugar, kagaya na lamang ng naging masayang bakasyon ni Karen Davila kasama ang kanyang pamilya.

Nito lamang nakaraan ay masaya ngang ipinasilip ng ABS-CBN broadcaster na si Karen Davila ang naging masayang Arctic Adventure niya at ng kanyang pamilya. Noong ika-24 ng Hunyo ng dumating sa Longyearbyen sa Norway si Karen, para mag-travel patungong Svalbard.

“From the air, about to land in Longyearbyen. Off to Svalbard, a frozen dessert made up of mountains and glaciers of which 60% of the land is covered in ICE,” saad ni Karen sa kanyang social media page noong nakaraang Biyernes.

Sa isa naman niyang Instagram post ay ibinahagi naman ni Karen ang kanyang naging pagsakay sa cruise ship, kung saan ay kanyang inihayag ang kasiyahan niya na makasalamuha ang ilan sa mga Filipino crew member ng naturang cruise ship.

“THE ARCTIC. Hanggang dulo ng mundo… maraming PILIPINO 🇵🇭 I was so happy to know that almost 60% of the crew in this Silversea Cloud Expedition to Svalbard are PINOYS! Grabe ang warm welcome ng mga kapamilya natin!!! Ganoon kagaling tayong mga Pinoy!”, caption ni Karen sa kanyang IG post.
Ibinahagi rin ng TV Patrol news anchor ang ilan sa mga nakakamangha niyang karanasan sa naging adventure niyang ito. Dagdag pa niya sa adventure niya lang na ito naranasan na araw man o gabi ay nakikita niya nag haring araw.

“Yesterday, the weather was 3 degrees celsius with winds at 40 knots! We had to take a zodiac to get to the expedition ship. Basang basa lahat kami and I wasn’t wearing waterproof clothes just yet!! What an adventure!”

“Experiencing the ‘Midnight Sun’ – summer in the Arctic when the sun does not set. Day or night – the sun is out. Amazing. Quietly cruising the Svalbard Islands to our first stop – Smeerenburg, popularly known as Blubbertown, an old whaling station in the 15th century,”

Marami naman sa mga kaibigan ni Karen Davila ang nagpahayag ng kanilang pagkamangha sa nnapaka-unique at napakasayang adventure ng ABS-CBN broadcaster. “Loving your updates! You look so happy! Dreaming of a trip to the Arctic too!” ang naging komento ni Maricel Laxa Instagram page ni Karen.
“My dream!!!❤️ stay safe!” ang komento naman ni Cristalle Belo.