Showbiz
Kathryn Bernardo At Daniel Padilla Masayang Ipinagdiwang Ang Kanilang Ika-10 Anibersaryo Bilang Magkasintahan

Masayang ipinagdiwang ng ‘2 Good 2 Be True’ stars at celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang ika-10 anibersaryo bilang magkasintahan. Matagal ng nagbibigay kilig sa maraming mga manonood ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ngunit mas lalo pa nga silang nagbigay ng kakaibang kilig sa marami nilang mga tagahanga ng kumpirmahin nila na sila ay hindi lamang tambalan sa harap ng kamera kundi real life couple na rin sa totoong buhay.
Samantala nito lamang nakaraang ika-22 ng Mayo matapos ang Star Magic 30th All Star Games ay ibinahagi nga ng aktor ang kanyang nararamdaman patungkol sa mga positibong feedback ng publiko sa online ukol sa kanilang pinakabagong serye na 2 Good 2 Be True.
“Sobrang positive kasi nung show. Good vibes yung show, feel good. Lalo na sa panahon ngayon sobrang sakto. I think dun nanggagaling yung saya ng tao. I feel very blessed na after all these years na hindi kami nakapag-serye and now andito ang mga tao at galak na galak sa aming proyekto,” pahayag ni Daniel.
Ibinahagi naman ni DJ na matapos nga ang Star Magic 30th All Star Games ay lilipad siya patungong abroad, upang sumunod kay Kathryn para sa kanilang bakasyon at bilang parte na rin ng selebrasyon nila para sa kanilang ika-10 taong anibersaryo bilang magkasintahan.
“Si Kathryn nandun somewhere ngayon. Somewhere only we know. Secret lang pero tomorrow susunod ako. Kailangan ko lang siyempre mag-representa. Anniversary namin. Mag-te-ten year anniversary na kami sa May 25 kaya dun kami pupunta,” he shared. (Although the couple have kept mum about their destination, Kathryn’s latest post on Instagram showed her posing with travel buddy Alora Sasam in a bookstore allegedly located in Bangkok, Thailand.)
Ayon nga kay DJ, ipagdiriwag nila ang kanilang ika-10 taong anibersaryo bilang magkasintahan ni Kathryn sa ika-25 ng Mayo, kaya naman napili nilang magtungo sa isang lugar kug saan sila makakapag-enjoy. Hindi naman niya binangit kung saang bansa nga bai to, ngunit sa inilabas na Instagram post ni Kathryn ay dito nga nalaman ng publiko na sa Bangkok, Thailand ipagdiriwang ng magkasintahan ang kanilang anibersaryo. Bilang isa nga sa mga pinaka hinahangaan at tinitingalang celebrity couple sa mundo ng showbiz, ay ibinahagi ni DJ kung ano ba ang sikreto sa matatag at puno ng pagmamahalan na relasyon nila ni Kathryn.
“Communication, compromise, respeto sa isa’t isa. Yun ang hindi puwede mawala. And loyalty sa isa’t isa. Hindi na sikreto yun. Pero yun lang yung sa amin”, pagbabahagi niya. Pag-amin din ni DJ, ngayon na siya ay 27-taong gulang na ay talaga namang looking forward na siya sa magiging next stage ng relasyon nila ng nobya.“Siyempre I’m 27 years old. So after three, four, five years, you know, what’s the next move? What’s the plan di ba? I have to go on with life. So ano yung kasunod nun? Abangan na lang natin. Mag-iipon lang muna ako ng konti. Siyempre ang dami pa nating gagawin,”
