Showbiz
Katrina Halili Blooming Na Blooming Pa Rin Sa Kabila Ng Pagiging Single

Ang Kapuso Actress na si Katrina Halili ay isa sa mga celebrity na ilang taon na ring umaarangkada ang karera sa industriya ng showbiz. Matatandaan na nagsimulang pasukin ni Katrina ang pag-aartista ng siya ay sumali sa isang reality talent show ng GMA-7 network, at kahit nga hindi siya ang nagwagi rito, ay umani naman siya ng napakaraming suporta mula sa kanyang mga tagahanga kaya naman iba’t ibang mga oportunidad rin ang nagbukas para sa kanya.
Sa maraming oportunidad nga na nagbukas kay Katrina, ay isa na nga rito ang pag-aartista. Kung noong una nga ay minahal at hinahangaan siya ng marami dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan, mas hinangaan pa siya ng mga ito ng maipamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte, lalo na nga sa pag ganap niya ng mga kontrabida roles.
Hindi naman maikakaila na dahil sa taglay na kagandahan at kaseksihan ni Katrina, idagdag pa ang pagiging isa niyang mahusay na artista, ay marami ang mga kalalakihan na nahumaling sa kanya. May mga kapwa celebrity din nga na na-link sa kanya at nakarelasyon niya.
Isa sa mga pinaka-naging kontrobesyal na nakarelasyon ni Katrina ay ang singer na si Kris Lawrence, ito ay dahil nagkaroon nga sila ng anak ng mang-aawit, ito nga ay isang babae na pinangalanan nilang si Katie, ngunit sa kabila nga nito ay nauwi pa rin sa hiwalayan ang kanilang relasyong dalawa. Matatandaan rin na pansamantalang nawala sa telebisyon si Katrina ng mga panahon na ito.
Simula nga ng mauwi sa hiwalayan ang relasyon kay Kris Lawrence, ay wala na ngang napabalitang nakarelasyon ang aktres, ito nga ay dahil sa mas pinili ngang ibuhos ni Katrina ang kanyang oras, panahon at pagmamahal sa anak niyang si Katie. Inihanda rin ni Katrina ang kanyang sarili sa pagbabalik niya sa trabaho sa telebisyon.
Samantala, sa kasalukuyan ay marami ngang mga netizens ang talagang humahanga kay Katrina Halili, ito ay dahil sa kabila nga ng pinagdaanan nitong ‘heartbreak’ at pagiging isang single mother sa kanyang anak na si Katie, ay talaga namang napaka-blooming niya pa rin.
Dahil nga sa pagiging blooming ni Katrina, ay napaisip ang ilang mga netizens na marahil ay may nagpapatibok na sa puso ngayong ng Kapuso actress, ngunit malinaw ngang inihayag ng 35-taong gulang na aktres na hanggang sa ngayong ay wala pa siyang planong pumasok sa relasyon dahil ang tanging prayoridad niya ay ang kanyang anak at ang kanyang trabaho bilang isang artista.
Pinatunayan naman ni Katrina sa lahat, lalo na sa mga kababaihan na ang pagiging blooming at pananatili ng pisikal na kagandahan ay hindi kinakailangan na ikaw ay may kasintahan, dahil ito ay maari mong gawin sa pamamgitan ng pagmamahal sa iyong sarili.
