Connect with us

Entertainment

Katrina Halili Kitang Kita Pa Rin Ang Pagiging Blooming Kahit Buhay Single Mom

Published

on

Si Katrina Halili ay unang nakilala sa telebisyon bilang isa sa avengers noon ng Starstruck, isang Philippine television reality talent competition ng GMA network. Ang kanyang mga naging kasabayan sa nasabing reality talent competition ay ang mga sikat na celebrity na rin ngayon na sina, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Sheena Halili, Cristine Reyes at marami pa ngang iba.

Sa kabila ng hindi niya pagkakapanalo sa nasabing kompetisyon, ay marami namang mga oportunidad ang nagbukas para sa kanya. Sunod-sunod ang kanyang mga natanggap na proyekto, mapa-serye o pelikula man, dahil nga sa kanyang husay sa pag-arte lalo na sa pagiging isang kontrabida.

Mas naging popular at hinangaan siya ng marami dahil sa kanilang mahusay na pagganap bilang kontrabida sa ilang serye na kanyang kinabibilangan, kagaya na nga lamang ng ‘Marimar’, ‘Darna’ at ‘Majika’.

Maliban pa sa pagiging isang mahusay na kontrabida sa telebisyon, ay kahanga-hanga rin ang kanyang taglay na kaseksihan. Kaya naman dalawang beses rin siyang itinanghal bilang FHM Philippine Sexiest Woman, at ito nga ay noong taong 2006 at 2007.

Ngunit matatandaan na minsan na ring dumaan sa pagsubok ang karera ni Katrina Halili, at ito nga ay noong masangkot siya sa isang malaking kontrobersiya, kung saan nga ay kumalat sa publiko ang pribadong bidyo nila Hayden Kho na naging dahilan upang masira ang kanyang imahe sa mata ng madla.

Sa kabila nito, sa tulong ng GMA network, ay unti-unti na siyang makabalik sa showbiz. Siya’y muling binigyan ng pagkakataon ng nasabing network na makabangon at muling makapagtrabaho dahil na rin sa husay niya bilang isang aktres.

Ngayon ay nasa 35-taong gulang na ang aktres na si Katrina Halili, at halos magwawalong taon na rin siyang ‘single’, ito nga ay matapos nilang maghiwalay ng dati niyang karelasyong singer na si Kris Lawrence.

Marami naman ang nakababatid sa atin na sila ni Kris ay nagkaroon ng isang anak na babae, at ito nga ay ang kanilang anak na si Katrence Lawrence Halili Cadevida o Katie, na ngayon nga ay nasa pangangalaga ni Katrina.

Kahit na ng aba hiwalay na sina Katrina at Kris, ay maayos naman ang samahan ng dalawa bilang mga magulang ng kanilang anak. At pinapayagan nga rin ng aktres, na makasama ni Katie ang kanyang ama.

Ayon kay Katrina, kahit na matagal na siyang ‘single’ ay hindi naman ito big deal sa kanya. Ibinahagi rin niya na ‘open’ naman siya na makipag-date, ngunit mas pokus umano siya ngayon sa pagiging isang magulang sa kanyang anak na si Katie.

Makikita naman sa mga larawan ni Katrina, na sa kabila ng pagiging single nito, ay masaya ito sa kanyang buhay kasama ang anak, at kahit walang lovelife ay blooming pa rin ang aktres.