Connect with us

Entertainment

Katrina Halili Suportado Ang Anak Na Si Katie Sa Pagiging Malapit Nito Sa Amang Si Kris Lawrence

Published

on

Matatandaan na si Katrina Halili at Kris Lawrence ay dating magkarelasyon, kung saan ay nagkaroon sila ng isang anak na babae, at ito nga ay ang 8-taong gulang na ngayon na si Katie.

Bagama’t matagal ng hiwalay ang aktres sa dating karelasyong singer na si Kris Lawrence, ay suportado naman niya ang kanilang anak na si Katie, na patuloy pa ring maging malapit sa ama nito. Maging sa kapatid nito sa amang si Kris, na anak nito sa bagong karelasyon nito ngayon, ay hinayaan ni Katrina na naging malapit si Katie.

Sa ngayon nga ay may bagong karelasyon si Kris Lawrence at ito ay isang non-showbiz personality, at sila ay mayroon na ngang isang anak, at ito’y isang baby boy.

Ayon pa nga kay Katrina, ng malaman ng kanyang anak na si Katie, na magkakaroon na ito ng kapatid sa kanyang “daddy” ay talaga namang na-excite ito. At ginagawa pa ngang hahanapin ang kanyang mga lumang baby clothes na ibibigay umano nito sa kanyang kapatid na lalaki.

Ikinatuwa naman ng aktres ang ipinakitang kilos na ito ni Katie, kahit ba hindi naman isuot ng baby boy niyang kapatid ang mga baby clothes nito, dahil sa ito’y mga pambabae.

Sa naging panayam ng PEP.ph, ay inilahad ng aktres, na dahil mahal niya ang kanyang anak, ay hindi niya ipinagdamot dito na maging malapit sa daddy nito.
“Yes, tsaka mahilig talaga si Katie sa mga bata.

“Hindi ko naman talaga pagdadamot yun dahil hindi naman ako bitter.
“Happy ako sa life ko. And happy din naman ako for him” “Kung mahal mo rin talaga ang anak mo, bigay mo rin kung ano gusto niya. Gusto niya yung tatay niya, e, di pwede naman niya makita talaga”, ang saad nga ng aktres.

Saad pa ng aktres, kahit hindi nag ‘work-out’, ang relasyon nila ni Kris, ay hindi naman niya ito pinalitan sa buhay ng kanilang anak. Inamin rin ng aktres, na sa buhay ng kanyang anak na si Katie, ay kailangan talaga nito ang kalinga at pagmamahal ng kanyang ama.

“Hindi ko naman ipagdadamot yun. Pwede niya makausap. And siyemore pagkatapos ng pandemic na ito, pwede naman silang mag bonding.”, dagdag na saad pa ni Katrina.

Kwento pa ni Katrina, noong ika-18 ng Setyembre sa ika-8 kaarawan ni Katie, ay hindi nawala si Kris sa nasabing pagdiriwang, dahil bumisita ito sa kanilang tahanan. Ang anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence na si Katie, ay nasa kustodiya at pangangalaga ng aktres, matapos nilang maghiwalay.