Connect with us

Entertainment

Keanna Reeves Wala Pa Ring Kupas Ang Taglay Na Kaseksihan At Kagandahan Sa Edad Na 50

Published

on

Talaga namang kahanga-hanga kapag nakakakita tayo ng isang indibidwal na nagagawa pa ring ma-maintain ang kanilang taglay na kagandahan at kaseksihan sa kabila ng kanilang umaangat ng edad.

Minsan hindi mapigilan ng marami sa atin na mapa-sana all sa kanila, ngunit upang ma-achieve nga naman talaga natin ito ay kailangan din nating gawin ang ginagawa nila na tamang disiplina sa sarili para sa magandang pangangatawan at maayos na kalusugan.

Samantala, isa naman sa talagang wala pa ring kakupas-kupas ang taglay na kagandahan at kaseksihan sa kabila ng kanyang umaangat ng edad ay ang aktres at model na si Keanna Reeves, dahil sa edad niyang 50 aay tila naman talagang mapagkakamalan siyang nasa 30’s palang dahil sa pananatili ng pagiging fresh ng kanyang mukha at seksi ng kanyang pangangatawan.

Matatandaan na taong 2006 ng magsimula ang karera ni Keeana Reeves sa mundo ng showbiz. Ito ay matapos niyang palari na magwagi sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother, kung saan sa 14 na housemates, ay siya nga ang itinanghal na Big Winner.

Taong 2006 rin ng gawin niya ang pelikula niyang “Binibining K’, kung saan ay nakasama niya ang gwapo at matipunong aktor na si Troy Montero.
Samantala, bago pa man makilala bilang Big Winner ng PBB Celebrity Edition noong taong 2006 si Keana, ay una ng naging matunong ang pangalan niya noong buwan ng Disyembre taong 2004,

ito nga ay matapos niyang aminin sa publiko ang pagiging isa niyang “Escort Girl.” Ibinahagi rin ni Keanna noon, na karamihan sa kanyang mga nagiging kliyente ay mga mambabatas o mga kilalang tao sa lipunan.

Si Keanna ay napanood rin natin noon sa comedy sitcom ng ABS-CBN na “Home Sweetie Home” na umere noong taong 2016, at pinagbidahan nina Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz.
Base naman sa mga ibinabahaging larawan ni Keanna sa kanyang social media account ay masasabi natin na masaya siya sa buhay na tinatahak niya ngayon.

Ipinanganak noong Ika-24 ng Setyembre taong 1970 sa Cebu City si Janet Derecho Duterte o mas kilala nga ng publiko bilang si Keanna Reeves.