Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Anak Ni Jaya Na Isa Ring Napakagandang Dalaga At May Taglay Na Talento Sa Musika

Published

on

Pagdating sa industriya ng musika, ay isa ang pangalan ng batikang mang-aawit na si Jaya ang tumatak sa puso at isipan ng marami sa atin. Mas naging matunog pa nga ang kanyang pangalan, ng maging parte siya ng Sunday Variety show ng GMA-7 na SOP, kung saan ay nakasama niya rin ang kanyang mga kapwa mang-aawit na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Janno Gibbs.

Sa personal niyang buhay, ay mas kilala si Jaya ng kanyang pamilya bilang si Maria Luisa, na siyang tunay niyang pangalan. Ang kanyang napangasawa ay si Gary Gotidoc, at ang pagsasama nilang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak, at ito nga ay sina Sabriya at Dylan.

Ang anak nga niyang si Sabriya, ay 14-taong gulang na, kung saan ay makikita sa mga larawan nito na may likas rin itong ganda tulad ng kanyang ina. Mahilig rin si Sabriya sa musika, katunayan maliban sa pagkahilig sa pag-awit tulad ng ina niyang si Jaya, ay tumutugtog rin ng gitara si Sabriya.

Bilang isang ina, ay proud na proud si Jaya sa anak niyang si Sabriya, lalo pa nga’t sa batang edad nito ay marami na tong kaalaman pagdating sa musika, nakikita niya rin kung gaano nito kinahihiligan ang pagkanta at pagtugtog ng gitara.

Ayon nga sa isang IG post ni Jaya, maliban sa pagtugtog ng gitara, ay kaya na ring magsulat ng awitin ni Sabriya. Ibinahagi rin niya kung anong katangian ang kanyang anak, na talaga namang nakaka-proud niya bilang ina nito.

Ipinatupad rin ng singer, na suportado niya ang anak sa lahat ng nais nito, lalo pa nga ang kinahihiligan nitong musika. Napansin naman ng maraming mga netizens ang taglay ng ang kagandahan ni Sabriya, at ang kanilang paghanga ay ipina-abot nila sa pamamagitan ng pagkomento sa naging post ni ina nitong si Jaya.

“Lakas maka Willow Smith ung vibe ni Sabriya.” “Sabriya is radiating this confidence of believing her own beauty. Lovin’ it.” “Ang ganda ni Sabriya. Pang Hollywood!” “Ang ganda ni Sabriya!!! She can be model, beauty queen, musician.”