Showbiz
Kilalanin Ang Anak Nina Janice de Belen At John Estrada Na Nagtataglay Ng Napakaganda At Mala Anghel Na Mukha

Sa kabila ng matagal ng hiwalay ang dating mag-asawa na sina Janice de Belen at John Estrada, ay hindi naman nila nakakaligtaan ang kanilang tungkulin bilang mga magulang sa kanilang mga naging anak. Bilang mga magulang nga ay labis pa rin ang kanilang ginagawang pagsuporta sa kanilang mga anak at patuloy nilang ibinubuhos ang kanilang pagmamahal sa mga ito.
Dahil din sa labis na pagmamahal ni John sa kanilang anak, ay tila nga hindi pa magawang matanggap ng aktor, na ngayon ay mga ganap na ngang dalaga at malalaki na ang kanyang mga anak sa dating asawa, ito nga ay matapos niyang makadama ng kalungkutan ng mapag-isipan na ang kanyang isang anak na dalaga na magpakasal sa nobyo nito.
Si Inah de Belen ay isa nga sa mga anak na dalaga ng dating mag-asawang Janice at John. Apat na taon na rin mahigit na nobyo ni Inah ang aktor na si Jake Vargas, at ito naman ay batid ng kanilang mga magulang. Kaya naman, ngayon nga tila na handa na si Inah at Jake na i-level up ang kanilang relasyon, ay naibahagi ng aktres na nasa plano na nila ng nobyo ang pagpapakasal.
Ayon nga kay Inah, napag-uusapan na nila ng nobyo niyang si Jake ang pagpapakasal. Nang makapanayam nga kamakailan si Inah, para sa kanyang nalalapit na pag-ganap sa isang episode ng seryeng Tadhana, ay ibinahagi nga ng aktres na sila ng nobyo niyang si Jake ay nasa tamang edad na para pag-uusapan ang kasal o ang pag level-up nga ng kanilang relasyon.
“To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napag-uusapan namin but ang dami pa kasi naming gustong gawin”, ang naging pahayag ni Inah sa nasabing panayam sa kanya.
Noon ngang nakaraang taon ay masayang ipinagdiwang ni Inah at nobyo niyang si Jake Vargas ang ika-apat na taong anibersaryo nila bilang magkasintahan. Sa mga post naman nila sa kani-kanilang Instagram account ay madadama ang sweetness nilang dalawa, kaya naman talagang kinikilig sa kanila ang mga tagahanga nila.
Kahit naman napag-uusapan na nina Inah at Jake ang pagpapakasal, ay naibahagi rin ng aktres na sa ngayon ay mas prayoridad pa nila ng nobyo ang kanilang career, kaya naman wala pa rin namang dapat ipag-alala ang mga magulang ni Inah na sina John at Janice.
