Connect with us

Showbiz

Kilalanin Ang Artistahing Anak Ni Eat Bulaga Host-Comedian Wally Bayola

Published

on

Si Wally Bayola ay kilala ng publiko bilang isa sa mga mahuhusay na komedyante sa telebisyon, maliban pa dito ay popular din siya bilang isa sa mga Dabarkads sa programang EAT Bulaga ng GMA-7 kung saan ay ang madalas nga niyang ka-tandem ay ang komedyante ring si Jose Manalo.
Samantala, maliban sa pagiging isang sikat na komedyante, ay isa ring ama at padre de pamilya si Wally Bayola. Siya ay may limang nag-gagwapuhan at nag-gagandahang mga anak, at isa na nga sa mga ito ay ang kanyang dalagang artistahin na anak na si Lyza Bayola.

Para kay Lyza ay idolo niya ang kanyang ama, at talaga namang hinahangaan niya ang talento nito bilang isang komedyante. Mas naging superfan pa umano siya ng kanyang Daddy ng gampanan nga nito ang pagiging si Lola ni Dora sa Kalyeserye noon na ALDUB nina Alden Richards at Maine Mendoza na talaga namang kinakiligan ng milyong milyong mga tao.

“Hats off to this versatile actor.. Keep up your great job and continue to bring laughter and tears to other people but don’t forget to get some rest rin, hehe.. I love you, papa! Kudos to you and to the whole cast of Kalyeserye.” Ayon nga sa ilang mga ulat, noon ay madalas na bumibisita si Lyza sa set ng programang kinabibilangan ng kanyang ama sa Eat Bulaga, kaya naman naging malapit din siya sa ilang mga kasamahan nito sa trabaho.

Sa katunayan sa social media account ni Lyza ay makikita na maging ang sikat na Bae na si Alden Richards ay “close” na din niya. Makikita nga na mayroon siyang ibinahaging larawan kung saan ay makikita na nakayakap sa kanya si Alden. Taong 2015 ng unang makita ni Lyza ang Pambansang Bae na si Alden Richards, at talaga namang labis ang tuwa at kilig na naramdaman niya ng masilayan niya ito dahil isa naman talaga siya sa mga tagasuporta noon ng ALDUB.

Samantala, sa kabila naman ng maraming mga pagsubok na pinagdaanan ng pamilya ni Wally Bayola, ay makikita naman na ngayon ay nanatiling matatag ang samahan nila ng kanyang asawa maging ng kanilang mga anak.