Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Babaeng Nag Papatibok Sa Puso Ngayon Ng Batikang Aktor Na Si Dennis Padilla

Published

on

Masaya at makulay ngayon ang buhay pag-ibig ng aktor na si Dennis Padilla, dahil sa natagpuan na niya ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso at magbibigay saya sa kanyang buhay. Ang babae ngang ito na nagbigay blooming sa love life ni Dennis ay ang Filipino-Australian na si Linda Gorton.

Si Dennis at Linda ay mahigit isang dekada ng magkarelasyon, at ayon sa ulat nagkrus ang kanilang landas dahil sa common friends nilang dalawa. Nagsimula umano ang love story nilang dalawa noong taong 2008 nang mamasyal sa Pilipinas si Linda, kung saan ng mga panahon na ‘yon ay pareho silang single kaya naman niligawan siya agad ni Dennis hanggang sa mahuka nga nito ang kanyang matamis na ‘oo’.

Hindi naman naging hadlang sa kanilang relasyong dalawa ang malaking agwat ng edad nila sa isa’t isa. Si Dennis kasi ay nasa 59-taon na, samantala si Linda naman ay nasa edad 36, ngunit mas pinagtibay ng makaling agwat ng kanilang mga edad ang pagsasama nila.

Taong 2009 umano ng kumbinsihin ni Dennis Padilla su Linda na sa Pilipinas na manirahan. Ang naging pagsasama nilang dalawa ay nabiyayaan na ng dalawang anak, ito nga ay sina Gavin at Maddie. Maliban naman dito, ay mayroong anak si Linda sa dati niyang parter at ito nga ay si AC.

Batid naman ng marami sa atin na si Dennis Padilla ay mayroong mga naging sa mga naging karelasyon niya noon, kung saan ay pito nga lahat ng mga ito at proud siya sa mga ito. Samantala, isa nga sa mga anak ni Dennis Padilla sa kanyang dating asawa na si Marjorie Barretto ay ang aktres na si Julia Montes.

At sa isa nga sa mga vlog ni Julia noon ay nakasama niya ang kanyang ama, kung saan ito ay may titulong “QUESTIONS I’VE NEVER ASKED MY DAD”. Ayon kay Julia sa vlog niyang ito, ang unang pagkakataon na itatanong niya ang kanyang ama ang patungkol sa naging problema o hidwaan noon ng kanilang pamilya.

Matatandaan na noon ay pinalitan ni Julia ng Baldivia noon ang kanyang apelyido na naging dahilan para masaktan ang kanyang amang si Dennis. Ayon nga kay Dennis talagang nasaktan siya ng mga panahon na iyon, dahil sa walang sinuman sa parte ni Marjorie ang nagreply sa kanya ng subukan niyang kausapin ang mga ito.

Agad naman itong sinagot ni Julia na; “You always feel like,I’m not hearing from anyone, not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before. “That’s why you couldn’t hear from us because at that point, we were already too scared of you”, ang naging saad nga ni Julia.

Sa kabila nga ng hindi naging maganda noon ang kanilang past, ay sinabi ni Julia na hindi ito sumuko at ipinaglaban nga niya ang kanyang ama, kaya naman ngayon ay maayos na rin ang relasyon niya rito at nabaon na sa limot kung ano man ang mga hindi magandang pangyayari sa kanilang buhay noon.

Ikinasal noong taong 1995 si Dennis Padilla kay Marjorie Barretto, ngunit matapos ang ilang taon ng kanilang pagsasama ay nauwi ito sa hiwalayan noong taong 2007. Nabiyayaan naman sila ng tatlong anak, at ang mga ito nga ay si Julia Barretto, Claudia Isabelle at Leon Marcus.