Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Babaeng Nagpapatibok Sa Puso Ngayon Ng Comedian-Theater Actor Na Si Jerald Napoles

Published

on

Nagsimulang makilala ng publiko si Jerald Napoles, bilang isang comedian-theater actor, ng siya ay magkaroon ng role sa musical stage na Rak of Aegis. Dito na rin nagsimulang magbukas ang iba pang oportunidad sa kanya sa telebisyon.

Una siyang naging bahagi ng weekend variety show ng GMA Network na ‘Sunday PinaSaya’, ngunit kalaunan ay lumipat sa VIVA Entertainment, at ngayon siya’y nasa Kapamilya channel na.

Sa ngayon nga ay isa si Jerald Napoles, sa mga guest characters sa Kapamilya series na “FPJ, Ang Probinsyano”, na pinagbibidahan naman ng aktor na si Coco Martin. Ayon sa ibang mga artikulo, si Jerald Napoles, ay pamangkin ni Janet Napoles.

Kasabay ng kanyang magandang career sa telebisyon, ay makulay at maganda rin ang love life ng komedyante, dahil ngayon ay in a relationship siya sa singer-actress na si Kim Molina. Ang nasabing singer nga ang nagpapatibok ngayon ng puso ni Jerald Napoles.

Nakilala ni Jerald si Kim Molina, ng siya ay nasa musical stage ng Rak of Aegis, dahil may pagkakataon na pinagtambal silang dalawa. Ang kanilang matatag at masayang relasyon ngayon, ay nagsimula lang umano sa tuksuhan at biruan. Nagsimula sila bilang mag-bestfriend, hanggang sa nagkahulugan ng loob. Ang kanilang tambalan ay tinawag na KimErald.

“Walang Sawa Factor”, yan ang masasabi ni Jerald sa relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Kim.
Para naman sa hindi pa masyadong nakikilala si Kim Molina, siya isa ngayon sa mga nakikilalang singer-actress sa Philippine showbiz industry. Lumaki siya sa Saudi Arabia, dahil naroon ang trabaho ng kanyang mga magulang.

Tila mula rin sa isang naka-aangat na pamilya si Kim, dahil ang kanyang ama ay isang dentista sa nasabing bansa.

Sa Al Majd International School, Dammam nakapagtapos si Kim Molina ng kanyang pag-aaral.
Kung nakikita nga natin si Kim Molina sa telebisyon, o kahit sa kanyang mga social media tulad ng YouTube at TikToks, ay masasaksihan natin ang kanyang husay sa pagiging isang mang-aawit.

Ayon nga sa mga naging ulat, 5-taong gulang pa lamang si Kim ay nag-pe-perform na siya sa Middle East, kaya naman talagang nasa na ang kanyang boses. Nagwagi rin si Kim sa isa sa mga singing contest para sa mga Pinoy sa Middle East, at ito nga ay ang The Filipino Channel (TFC) Pop Star.

Sa ngayon nga ay makikitang ang relasyon nina Gerald at Kim ay talaga namang napakasaya at punong-puno ng pagmamahalan, ito ay base na rin sa mga updated video at photo nila, madalas nilang ibinabahagi sa kanilang social media account.