Connect with us

Showbiz

Kilalanin Ang Dating Pinakabatang Mayor Sa Pilipinas Na Nobya Ay Isang Napakagandang Artista

Published

on

Marahil ay marami sa atin ang hindi nakakaalam na dito sa ating bansa ay may isang Mayor na pinamamahalaan at nagbibigay serbisyo na sa kanyang bayan kahit na siya ay edad 22 lamang, at ito nga ay ang pinakabatang Mayor sa Pilipinas na si Mayor Arth Bryan C. Celeste.
Sa edad nga niyang 22-taong gulang ay nagbibigay serbisyo na at nanunungkulan na bilang Mayor sa Alaminos City, Pangasinan si Mayor Arth.

Base sa mga naging ulat, si Mayor Arth Bryan C. Caleste ay ipinanganak noong ika-5 ng Hunyo taong 1996. Siya ay nagtapos ng kursong BS Entrepreneurship sa De La Salle University sa Taft Manila. Ang kanyang amang si Arthur Caleste ay dati ring Alkalde ng Alaminos City, Pangasinan.
Bago pa man sumunod sa kanyang ama si Mayor Arth at maging alkalde nga ng kanilang bayan, ay naging Brgy. Captain muna siya ng Barangay Magsaysay.

Samantala, kagaya ng ilang mga hinahangaang alkalde sa ating bansa, kagaya na lamang ni Mayor Isko Moreno, Mayor Vico Sotto at Mayor Donya Tesoro ay ipinaparating din ni Mayor Arth ang mga mensahe na nais niyang isapubliko sa pamamagitan ng social media, kagaya na nga lamang ng kanyang mga gawain para sa ikauunlad ng kanilang lugar. Kinabibiliban naman si Mayor Arth ng mga netizens dahil sa kanyang maagap at epektibong serbisyo para sa kanyang bayang pinaglilingkuran.

Samantala, maliban pa sa mga magagandang serbisyo na nagagawa ni Mayor Arth sa kanyang bayan, ay naging agaw-pansin rin sa mga netizens ang buhay pag-ibig nito. Napag-alaman nga na siya pala ay may karelasyon na isang magandang aktres sa showbiz, at ito nga ay ang Kapuso actress na si Pauline Mendoza. Si Pauline ay isa sa mga bumida noon sa serye ng GMA-7 na “Kambal, Karibal”.

Ang relasyon ni Mayor Arth at Pauline ay LDR (long distance relationship) dahil sa naninirahan ang alkalde sa Alaminos samantala nasa Marikina naman ang Kapuso actress. Sa kabila naman nito ay hindi naman naging hadlang ang pagiging malayo nila sa isa’t isa para magkaroon sila ng maayos, matatag at masayang relasyon.