Uncategorized
Kilalanin Ang Gwapong Aktor Na Ultimate Crush Ni Bea Alonzo

Hindi na nga naitanggi pa ng sikat na aktres na si Bea Alonzo, na may tinatago siyang pagtingin sa isang sikat na aktor na talagang hinahangaan niya sa industriya ng showbiz. At pagbubunyag nga ng aktres, ay ito nga ang gwapo at makisig na aktor na si Jericho Rosales.Si Bea ay kilala bilang isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz, at sa pinagsamang galing ng kanyang ka-love team on screen na si John Lloyd Cruz, ay talaga nga namang hinangaan at inaabangan ang mga pinagsasamahan nilang proyekto.
Maraming taon nang magkatrabaho sa showbiz sina Bea at John Lloyd, kung saan ay marami na rin silang mga ginawang pelikula. Makikita rin na talagang maganda ang chemistry ng dalawa, at iba ang hatid na kilig sa mga manonood. Marami nga sa kanilang mga tagahanga, ang nais na sila’y magkatuluyan sa totoong buhay. Ngunit, sa kabila ng kasweetan nila sa harap ng camera, ay wala anumang damdamin sa isa’t isa sina Bea at Loydi, kundi isang pagtingin para sa magkaibigan lamang.
Kamakailan lamang, ay may pag-amin na naganap nang makapanayam si Bea ng dermatologist-to-the-star na si Aivee Teo. Sa nasabing panayam, ay tinanong ang aktres ng tungkol sa kanyang personal na buhay. Hindi maikakaila na kahit pa may kaugnayan sa personal na buhay ang mga katanungan, ay handa at buong tapang itong sinagot ni Bea.
Isa na nga rito kung may idene-date ba siya ngayon na naghahatid ng kasiyahan sa kanyang puso. Agad naman itong sinagot ni Bea, at sinabi: “Actually, natanong na ‘to sa Q&A sa vlog ko and then I said na right now parang I’m open to dating and also to being happy na parang for me life is too short.”
Naitanong rin sa aktres kung na fell-inlobe ba siya sa kanyang katambalang aktor na si Loydi. Ayon nga kay Bea, ay hindi mag-wowork out ang tambalan nila ng aktor on screen kung hindi siya nainlove dito.
Pag-amin nga nito,“Yes, I’m always inlove with him. I feel like our partnership will never work if I was not inlove with him. So, andun lagi ‘yun.” Inamin rin ni Bea sa naging panayam, na may nakakadate siya ngayon, ngunit mas minabuti ng aktres na wag magbigay ng anumang detalye patungkol rito.
Samantala, isa naman sa talagang nagpakilig kay Bea sa nasabing panayam, ay ang pag-amin niya kung sino ang taong talagang hinahangaan niya sa showbiz.
Pag-amin nga nito, ay ultimate crush niya talaga ang aktor na si Jericho Rosales. “Si Jericho Rosales, super crush ko siya ever since. Tawag ko sa kanya ‘crush’, and he knows about that. He’s so nice, he’s so talented. Before, ako naging artista, fan na talaga ako ng Jericho-Kristine (Hermosa) tandem.”
