Showbiz
Kilalanin Ang Gwapong Panganay Na Anak Ng Mag-asawang Gian Sotto At Joy Woolbright

Sa industriya ng showbiz ay marami naman talaga ang mga sikat na pamilya. At isa nga sa mga pamilya na talaga namang kinikilala ay ang Sotto Clan, ito ay hindi lamang dahil sa kanilang taglay na talento kundi dahil hindi naman talaga maitatanggi na may maganda at gwapong lahi ang nasabing pamilya.
Samantala, batid ng marami sa atin na hindi lang basta sa larangan ng pag-aartista kilala ang pamilya Sotto, dahil may ibang miyembro din ng kanilang pamilya ang gumawa na rin ng sarili nilang pangalan sa mundo ng pulitika.
Isa na nga sa mga ito ay si Gian Sotto, na ngayon ay Vice Mayor ng Quezon City. Sa kabila nga ng kanyang kagwapuhan at karismang taglay, ay mas pinili niya ang mundo ng pulitika kaysa pumasok sa mundo ng showbiz kung saan mas kilala ang kanilang pamilya.
Si Gian ay kasal sa kanyang misis na si Joy Woolbright, at ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap noong taong 2007. Sa kabila naman ng halos ilang taon na rin nilang pagsasamang mag-asawa ay nanatili naman itong matibay at matatag.
Ang mag-asawa naman ay nabiyayaan na rin ng mga anak, at dahil nasa dugo na ng kanilang pamilya ang magaganda at gwapo, ay talaga namang mga good-looking din ang kanilang mga anak.
Ang panganay na anak ng mag-asawa na ngayon ay pinag-uusapan dahil sa taglay nitong kagwapuhan ay si Vicente Woolbright-Sotto IV o mas kilala sa kanyang palayaw na ‘Hugo’.
Hindi maitatanggi ang pagiging gwapo ni Hugo, lalo na at ito ay mestizo. Si Hugo ay mahilig sa musika. At tulad ng kanyang mga magulang ay may kahanga-hanga rin itong personalidad.
Ipinamalas ni Hugo ang kanyang kabutihan sa kapwa noong nakaraang taon ng ipagdiwang niya ang kanyang kaarawan. Imbis kasi na magkaroon ng selebrasyon ay mas pinili ni Hugo na ilaan ang kanyang espesyal na araw sa pagtulong sa ating mga kababayan na labis ngang naapektuhan ng bagyong Ulysses. At kasama niya ng gawin ito ang kanyang amang si Gian Sotto.
Ayon sa ulat isinilang noong ika-24 ng Oktubre taong 2004 si Hugo, at ngayon nga ay nasa edad 16 na ito. Samantala, malapit naman si Hugo sa kanyang mga magulang. Sa katunayan ay madalas silang mag-bonding, lalo na ng kanyang ama, at ang paborito nga nilang bonding ay ang pagtugtog ng gitara.
Kahit naman isa ng binata, ay hindi pa rin nawawala kay Hugo ang pagiging malapit niya rin sa kanyang ina, at patuloy pa rin ang pagiging isang ‘sweet’ na anak niya kkay Joy Woolbright.
Maliban kay Hugo ay may iba pang anak sina Gian at Joy at ang mga ito nga ay sina sina Endrigo, Sandro, Rosanno at baby Domiku. Si Amari naman ang nag-iisang kapatid na babae ni Hugo at unica hija nga ng kanilang pamilya.
