Entertainment
Kilalanin Ang Hinirang Na Miss Intercontinental 2021 Na Si Cinderella Faye Obeňita

Tunay na kahanga-hanga ang angking kagandahan ng mga Pinay, idagdag pa ang abilidad, katatagan at kanilang katalinuhan na taglay, kaya naman hindi na kataka-taka na sa ilang mga beauty pageant na lahukan ng isang Pilipina ay ilang beses na ring kuminang at kinilala ang gandang Pinay.
At nito nga lamang nakaraan ay muling kuminang ang gandang Pinay, nang ang representante nga ng ating bansa sa Miss Intercontinental beauty pageant, ay nasungkit ang korona at titulo.
Talaga namang nag-stand out ang ganda ng Pinay sa katauhan ng kandidata ng si Cinderella Faye Obeňita sa katatapos lamang na 49th edition ng Miss Intercontinental pageant na ginanap sa Sunrise Diamond Beach Resort sa Egypt.
Si Cinderella Faye ay isang 25-taong gulang na beauty queen mula sa Cagayan de Oro, at siya rin ang ikalawang Pinay beauty na nakasungkit ng titulo sa Miss Intercontinental beauty pageant. Ang unang Pinay na nakasungkit ng nasabing titulo ay si Karen Gallman, noong taong 2018.
Mapapanood sa social media page ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang naging pagbabahagi nila ng ilang mga clips ng naging winning moments ng Pinay beauty.
Bago pa man ang naganap na gabi ng koronasyonm ay agad ng nagpasiklab ang Pinay Beauty na si Cinderella Faye sa entablado ng Miss Intercontinental, kung saan ay kanya ngang ibinida ang kasuotan na tatak Pinoy. Itinampok niya sa national costume ang Diwata-inspired costume, kung saan ay dito nga mas lalong umangat at kuminang ang kanyang kagandahan.
Mas napa-wow pa nga ang mga netizens ng ibinida niya rin ang classic Pinay superhero costume na “Darna”. Sa naging tagumpay at karangalan nga na ito ni Cinderella Faye, ay isang pagbati nga ang ipinaabot sa kanya ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated.
“Second Miss Intercontinental crown for the Philippines! 🇵🇭👑 Congratulations to our Miss Intercontinental 2021 Cinderella Faye Obeñita! The whole country is proud of you. #BbPilipinas2021 #TheNewBinibini #HomeOfTheQueens #MissIntercontinental”, @bbpilipinasofficial.
Kung matatandaan si Obeňita ay isa sa mga wild card candidate sa 2021 Binibining Pilipinas pageant, at dahil sa kanyang ipinamalas na kagandahan at katalinuhan siya nga ay nakoronahan bilang Binibining Pilipinas Intercontinental.
