Connect with us

Showbiz

Kilalanin Ang Isa Pang Mala-Artistahing Anak Na Dalaga Nina Marjorie Barretto At Dennis Padilla

Published

on

Isa sa mga kilalang pamilya sa mundo ng showbiz ay ang Barretto Family, hindi lang dahil sa kanilang talento at husay sa pag-arte kundi dahil na rin sa pagkakaroon nila ng magandang lahi.
Ang mga Barretto na unang nakilala sa showbiz dahil sa kanilang angking kagandahan at kahusayan sa pag-arte ay ang Barretto sister’s na sina Gretchen Barretto, Marjorie Barretto at Claudine Barretto, na sa ngayon nga ay pareho na ring may kanya-kanyang mga anak.

Samantala ang anak ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto ay ang pumasok na rin sa mundo ng showbiz, at hindi maikakaila na isa siya sa mga sikat na artista ngayon. Ngunit maliban nga kay Julia, ay may isa pang anak si Marjorie sa dati niyang asawang si Dennis Padilla na ngayon ay agaw-pansin sa publiko dahil sa taglay na kagandahan nito. Ito nga ay ang napakagandang si Claudia Barretto.

Nagdiwang kamakailan lamang ng kanyang ika-22 taong kaarawan si Claudia, at sa espesyal na araw na ito ng kanyang buhay ay nakatanggap siya ng mga pagbati mula sa mga mahal niya, kabilang na nga ang kanyang mga kapatid na sina Julia at Dani Barretto.

“Claudia—my sister, my bestfriend and soulmate. Happy Birthday my angel. Nothing I wouldn’t do for you” ang naging mensahe ni Julia para sa kanyang kapatid na nagdiriwang ng kaarawan at kalakip nga ng mensahe niyang ito ay ang larawan nil ani Claudia noong sila ay mga bata pa. Sinagot naman ito ni Claudia at sinabing napakasuwerte niya at si Julia ang kaniyang naging ate. “Oh to be young and be this gorgeous!! You’re a dream, Claudia!! Happy happy birthday!! Thank you for always reminding me to stop and smell the roses”.“You’re wise beyond your years and so selfless” ang naging pagbati naman ni Dani Barretto kay Claudia.

“I love you! I’ll always be here for you no matter what”, dagdag na mensahe pa ni Dani para sa kapatid.
Sinagot naman ni Claudia ang mensahe ng kanyaang ate Dani at sinabing mahal na mahal niya rin ang nakatatandang kapatid at sinabi niya ito nga ang isa sa kaniyang inspirasyon.

Dahil sa ang hilig ni Claudia ay ang pagkanta, ay wala sa kanyang plano na pasukin ang pag-aartsita. At dahil sa pagkakaroon nga niya ng magandang tinig, ay mayroon na siyang awitin na nagawa at ito nga ay napapakinggan na sa Spotify.