Showbiz
Kilalanin Ang Kambal Na Anak Ng Aktor Na Si Marvin Agustin

Isang aktor, chef at businessman si Marvin Jay Marquez Cuyugan o mas nakilala nga ng publiko bilang si Marvin Agustin sa industriya ng showbiz. Sikat na sikat ang loveteam nila noon ng aktres na si Jolina Magdangal, kung saan noon ngang 90’s at early 2000’s ay kabilang sila sa mga popular na tambalan na kinakikiligan ng maraming mga manonood. Ang tambalan nila ay tinawag na “MarJo” in-short nga ng Marvin at Jolina.
Ilan lamang sa mga pelikula na pinagtambalan ng MarJo na nagbigay kilig sa mga manonood, ay ang FLAMES: The Movie, Kung Ayaw Mo Huwag Mo, Loves Kita Okay Ka Lang, Gimik: The Reunion at ang Hey Babe! Tumagal nga ng mahigit 23-taon ang naging tambalan ng dalawa, at ngayon nga ay may kani-kanila na silang pamilya na pinagkaka-abalahan. Si Jolina ay kasal na sa kanyang asawa at mayroon ng dalawang anak, samantala si Marvin naman ay abala na gampanan ang pagiging isa niyang ama sa kambal niyang anak sa dati niyang karelasyon.
Matatandaan na taong 2005 ng isinilang ng ex-girlfriend ni Marvin noon na si Tetet Dy ang kanilang naging kambal na anak na lalaki na sina Sebastian at Santiago. Kahit naman hiwalay na si Marvin sa ina ng kanyang mga anak, ay napanatili naman nila ang kanilang pagkakaibigan. Sa ngayon nga ay 16-taon na ang kambal na anak ni Marvin, dahil kamakailan lamang ay nagdiwang na ang mga ito ng kanilang kaarawan.
Ayon nga sa aktor, hanggang ngayon ay kabado pa rin siya, dahil hindi niya alam kung tama ba ang kanyang parenting style sa kanyang mga anak. Nagbahagi naman ng kanyang pagbati si Marvin para sa kaarawan ng kambal niyang, kung saan ay inilahad din niya sa mensahe niya kung gaano niya kamahal ang mga ito.
“Sweet 16. Sana palakasin kayo ng mga pagsubok na pinagdadaan natin. Walang perpektong mundo, meron lang mga taong kakayanin ang kahit na anong pagsubok na dumating sa buhay nila at yan ang wish ko sa inyo. Maging matatag sa kahit na anong haharapin nyo sa buhay. I L𝓞VE YOU MY HANDS𝓞ME B𝓞YS!”
Dagdag pa niya, “Ipagco-COCHI ko kayo at ipagbe-bake ng Kerot Cake! Buti na lang marunong ako magluto at di na tayo gagastos pa. HAPPY B𝐼RTHDAY SEBASTIAN & SANTIAGO!”
Sa kabila naman ng pagiging kambal ng anak ni Marvin, ay sinabi niya na hindi niya pwedeng disiplinahin ang mga ito sa parehong paraan, sapagkat magkaiba ng personalidad sina Sebastian at Santiago.
Sina Sebastian at Santiago ay parehong nakatira sa ina nito, kaya naman tuwing ‘weekends’ lang nakakasama ni Marvin ang kanyang mga anak. Magkaganoon man ay sinusulit naman nila ang araw na magkakasama sila, kung saan ay ginagawa nga nila ang mga bagay na pareho nilang kinahihiligan.
Pareho sila na mahilig sa musika at baseball na nagiging bonding nga nilang mag-ama, at ayon sa aktor, dahil mahilig siya magluto ay tinuturuan na rin niyang magluto ang kambal na anak.
Sa isang panayam noon kay Marvin ay ibinahagi niya kung paano nila ipinaliwanag ng dating karelasyon sa kambal nilang anak ang set-up ng pamilya na mayroon sila kung saan ay mayroon ngang dalawang tahanan ang mga ito, at ang pagiging magkahiwalay nila ng ina ng kanyang mga anak.
“We might not l𝔦ve in one house l𝔦ke most families but Tetet and I promised each other to always be selfless and take out the pett𝔦ness when it comes to the k𝔦ds. It’s beeen harmon𝔦ous setup so far. We always told them, you have two fam𝔦lies, two houses.” “Your m𝔬m and d𝔞d are friends but aren’t living together. We might not be l𝔦ke other fam𝔦lies but it doesn’t mean that we love you less or want the best for you,” pahayag ni Marvin sa isang panayam sa kanya noon ng Smart Parent𝔦ng.
