Entertainment
Kilalanin Ang Lalaking Bumihag Sa Puso Ni Gal Gadot O Mas Popular Bilang Si Wonderwoman

Isa sa mga Hero character na hinahangaan ng marami ay si Wonderwoman, ngunit sino nga ba siya sa tunay na buhay? Si Gal Gadot, ay ang magandang babae na nakilala natin bilang si Wonderwoman. Hindi lang siya basta maganda, dahil hinahangaan rin sa kanya ng marami ang kanyang husay at talento sa pag-arte. Ngunit, lingid pa sa kaalaman natin, si Gal Gadot ay hindi lamang isang mahusay at talentadong Wonderwoman, dahil isa rin siyang Superwoman para sa kanyang asawa at mga anak.
Nakita ng ani Wonderwoman ang kanyang tunay na pag-ibig sa piling ng kanyang mister na kinilalang si Jaron Versano. Ngunit sino nga ba si Jaron? Marami ang nagnanais na makilala ng lubusan ang lalaki ngang ito na siyang bumihag sa puso ni Gal Gadot.
Ayon sa mga lumabas na ulat, isang real estate developer at businessman si Jaron Versona. Siya ay lumaki sa Amsterdam at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa New York Institute Technology.
Nagtayo siya kasama ang kapatid niyang si Gay Versona ng isang real estate company at ng isang magarbong hotel, ngunit taong 2015 ay ibenenta rin nila ito.
Pagdating naman sa buhay pag-ibig, taong 2006 ng magsimula ang magandang pagtitinginan sa pagitan nila ni Gal Gadot, matapos nga nilang magkakilala sa ginanap na isang isaeli dessert party. Nang maging magaan na ang loob nila sa isa’t isa, ay agad namang nagdesisyon ang dalawa na pumasok na sa seryosong relasyon at ipinangako nga nila ang katapatan nila sa bawat isa.
Masasabi ngang napakabilis ng naging pagpasok nilang dalawa sa seryosong relasyon, ngunit magkaganoonman ay makikita ang napakagandang samahan bilang magkarelasyon kaya naman tila nga talagang sila’y itinadhana sa isa’t isa. Kaya naman, hindi rin nagtagal ay nagdesisyon na nga sila na magpakasal.
Ika-28 ng Setyembre taong 2008 ng magpakasal sina Jaron Versona at Gal Gadot, kung saan ayon kay Gal hindi niya makakalimutan ang naging kasiyahan at pakiramdam niya ng una niyang maisuot ang wedding ring niya ng araw na ‘yon.
Samantala, sa kabila ng pagiging abala nila sa kani-kanilang karera ay tiniyak naman nila na mas mananaig ang pagkakaintindihan at pagsusuportahan sa isa’t isa sa kanilang pagsasamang mag-asawa.
Biniyayaan ng unang anak ang mag-asawa noong taong 2011, ito nga ay ang napakagandang anak nila na si Alma. Taong 2018 naman habang ginagampanan ni Gal ang karakter niya bilang si Wonderwoman ay nasa sinapupunan na niya ang kanilang isa pang anak, at ito nga ay ang bunsong anak nila na isa ring babae na pinangalanan nilang si Maya na sa kasalukuyan ay nasa edad 2 na.
Habang tumatagal nga ay mas lalo pang tumitibay ang pagsasamahan at pagmamahalan nina Gal at Jaron, at ang kanila ngang masayang buhay mag-asawa ay nagpatunay lamang na hindi basehan ang tagal ng relasyon sa pagkakaroon ng matagumpay na relasyon. Kitang-kita nga na sa buhay ni Gal ngayon kapiling ang kanyang asawa at mga anak, ay tila wala na siyang hahanapin pa dahil bilang si Wonderwoman ay tila namumuhay siya ngayon sa wonderlife na puno ng kaligayahan at pagmamahalan.
