Connect with us

Showbiz

Kilalanin Ang Lalaking Nagpapasaya Sa Puso Ngayon Ni Snooky Serna

Published

on

Si Maria Milagros Sumayao Serna o mas nakilala ng publiko bilang si Snooky Serna ay isa samga mahuhusay at batikang aktres sa industriya ng showbiz. Siya ay dalawang beses na ikinasal, ngunit sa kasamaang-palad nga ay ang mga ito ay parehong hindi nagtapos sa ‘happy ending’. Una siyang ikinasal noong taong 1992 sa aktor na si Ricardo Cepeda, ngunit ito nga ay annulled. Ang kanilang pagsasama naman ay nabiyayaan ng dalawang anak na babae na sina Samantha at Sachi.

Ang ikalawa niyang naging asawa ay si Nino Mendoza, ang lead singer ng Blue Jean Junckies, at tulad rin ng una niyang naging kasal ay humantong din sila nito sa hiwalayan. Bigo man si Snooky sa mga naging asawa niya, ngayon naman ay tila nakahanap na siya ng bagong pagmamahal ngayon sa katauhan ng Vice Governor ng Bulacan na si Ramon Villarana. Ayon sa ulat, noon pa man ay magkakilala na ang dalawa, at hindi nila inakala na silang dalawa ang tila nga nakatadhana sa isa’t isa.

Hindi naman akalain ni Snooky na may darating pang lalaki na magmamahal sa kanya at mga anak niya. Limang taon din siyang naging single, bago nga siya umibig muli. Tulad ni Snooky, si Ramon ay hiwalay rin sa kanyang dating asawa at mayroon din itong anak. Ayon nga sa aktres, tila siya isang teenager ngayon kung kiligin kapag kasama niya si Ramon. Napansin din ng kanyang mga anak na magmula ng makarelasyon niya si Ramon malaki ang kanyang naging pagbabago, kung saan lagi na nga siyang naka-smile at lalong naging blooming.

Masaya at boto naman ang mga anak niina Snooky at Ramon sa pagmamahalan at relasyon nilang dalawa. Sa kabila naman ng naging hiwalayan ni Snooky at dati niyang asawa na si Ricardo ay maayos naman ang kanilang relasyon bilang magkaibigan. At sa kasalukuyan nga ay may kinakasama na rin ngayon ang kanyang dating asawa, at ito nga ay ang modelo, beauty at aktres na si Marina Benipayo. Isang dekada na ring nagsasama ng dalawa, at napag-uusapan naman nila ang kasal, ngunit sa ngayon ay hindi pa nila ito sineseryoso.