Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Lisensyadong Doktor Na Babaeng Anak Ni Kapuso Host-Comedian-Actor Jose Manalo

Published

on

Maliban sa pagiging isang co-host-comedian ng longest running noontime show ng GMA-7 na ‘Eat Bulaga, ay isa ring ama si Jose Manalo sa kanyang mga anak, na kanyang ina-kaproud dahil nakikita niya na kahit may kanya-kanyang karerang tinatahak ang mga anak niya ay matagumpay ang mga ito sa kanilang buhay.

At isa na nga sa kanyang mga anak na malayo na ang narating sa buhay nito ngayon ay ang napakaganda at napaka talino niyang anak na babae na si Myki Manalo.

Si Myki, ay 28-taong gulang na. At noon taong 2012 ay nakapagtapos ito ng kursong Bachelors of Science in Psychology sa De La Salle University sa Manila.

Maliban sa kursong Psychology, ay nag-aral muli si Myki ng Medisina sa FEU-NRMF Institute of Medicine, kung saan ay matagumpay din niyang natapos ang nasabing kurso, kaya naman ngayon ay isa na rin siyang ganap na lisensyadong doktor.

Makikita naman sa mga larawan ni Miki sa kayang Instagram account ang pagiging fit nito sa kanyang katawan, at ito nga ay dahil sa kanyang pagkahilig sa swimming. Maliban pa nga sa pagsi-swimming, ay mahilig rin ang anak na ito ni Jose Manalo na kumanta, sumayaw at umarte tulad nga ng kanyang ama at kapatid na si Benj Manalo.

Matatandaan naman na may karelasyon si Myki noon na nagngangalang Paulo, kung saan ay taong 2012 pa umano niya ito naging boyfriend. Ngunit mapapansin ngayon sa social media account niya na wala ng anumang bakas ng larawan nila ni Paulo.

Ang madalas na nga lamang i-upload ngayon ni Myki sa kanyang Instagram, ay ang mga larawan nila ng kanyang baby na si Myka Isabel, isang cute na cute na baby girl na ngayon ay nasa 6-months old na.
Sa IG post ni Myki ay makikita ang naging pagbabago niya ng larawan nila ng kanyang baby, noong tumuntong ito sa ika-anim na buwan nito, kung saan inilahad ni Myki, kung gaano niya kamahal ang anak.

“The love of my life, my princess, my dearest Isa, turns 6 months old today! Being your mama is and will always be greatest thing has happened to me. I love you so much, anak! Forever.”

Noon pang nakaraang taon, ay maaalala din na nag-post si Myki sa kanyang social media ng isang nakakaantig na mensahe para sa kanyang amang si Jose Manalo, kung saan ay pinasalamatan niya ito sa pagmamahal at suporta na ibinigay nito sa kanya lalo na noong mga panahon na siya’y nag-aaral pa.

“I remember this one time back in college when I had personal problems and I was being particularly difficult. I didn’t attend all my classes one day, even missed an exam, and you caught me. Surprisingly, you didn’t get mad. You were unusually calm. You picked me up from where I was, brought me to an ice cream place near DLSU and just remained quiet.

Eventually, I cried so hard. I couldn’t stop. You just hugged me. We stayed like that for a long while. No words were needed. You understood me. You always stood by my side. Your mere presence was enough to get me through. I yearn for it daily. I miss you, daddy. Please keep yourself healthy and happy”, ang naging saad nga ni Myki sa kanyang naging post para sa ama.