Showbiz
Kilalanin Ang Magandang Dalaga Na Nagpatibok At Nag Aangkin Sa Puso Ng Sikat Na Child Star Noon Na Si Jairus Aquino

Tunay naman talaga ang kasabihan na ang “O, pag-ibig na makapangyarihan, pag ika’y pumasok sa puso ninuman. Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang”, kung saan tila ang kataga nga na ito ang pinaka-naaayon para sa magiging laman ng artikulong ito.
Marahil lahat tayo naniniwala na ang pag-ibig ay tunay na makapangyarihan, dahil talaga namang kapag napana ka ng pana ni kupido ay wala ng makakapigil pa sayo na mahalin ang taong itinitibok ng iyong puso. Ang pag-ibig ay walang pinipili, oras, panahon, edad o kasarian man, dahil basta’t naramdaman mo na ito, tila ba wala ka ng ibang nais na sundin kundi ang iyo na lamang nararamdaman.
Ang pag-ibig ay kusang dumarating at nararamdaman ng isang tao sa tamang tao na sa kanya ay inilaan ng Maykapal, at tila nga ang dating child star na si Jairus Aquino ay isa nga sa mga taong natagpuan ang kanyang tunay na pag-ibig na hindi niya nagugustuhin pang pakawalan.
Kamakailan nga lamang ay masayang ipinakilala ni Jairus sa publiko ang babaeng bumihag at nagpatibok sa kanyang puso, at ito ay wala ngang iba kundi ang girlfriend niya ngayon na si Andrea Angeles, isang vlogger. Sa Instagram at YouTube ni Jairus ay kanya ngang ibinahagi kung paano niya nakuha ang matamis na ‘oo’ ng dalaga upang maging kasintahan na niya ito. Inihalintulad naman ni Jairus ang sayang kanyang nararamdaman sa linya ng kantang “Forevermore” at ito nga ay ang “You were just a dream that I once knew.”
Mapapanood naman sa ibinahaging video ni Jairus na nagsimula nga ang lahat ng tanungin niya si Andrea kung maari ba niya itong magkasintahan ng sila ay nasa isa ngang movie theater sa Quezon City, hindi naman nabigo ang binata sapagkat narinig nga niya mula kay Andrea ang kasagutan na kanyang inaasam-asam at ito nga ay ang matamis nitong ‘oo’.
“Iyya, will you be my lifetime?”, mga katagang naitanong ni Jairus. Pagkasagot nga ni Andrea ng ‘oo’ kay Jairus na tanda ng pagiging opisyal nilang magkasintahan ay binigyan nga niya ang dalaga ng isang magandang kuwintas. Matatandaan na ang huling naging nobyo ni Andrea Angeles ay si Tristan Cabrera isang professional mobiles legends player, samantala si Jairus naman ay isang non-showbiz ang huling naging nobya.
Si Jairus Aquino ay mas nakilala ng publiko bilang isang child star noon sa ‘Goin Bulilit’, at ng siya nga ay magbinata na ay mas naging popular pa siya ng makatambal niya ang aktres na si Sharlene San Pedro, kung saan ang kanila ngang loveteam ay nasimula sa teen-oriented show na ‘Luv U’ noong 2013 ngunit taong 2016 ay nabuwag din nga ang kanilang tambalan ng aktres.
