Uncategorized
Kilalanin Ang May Bahay At bumihag Sa Puso Ng Aktor Na Si Jestoni Alarcon Sa Loob Ng Tatlong Dekada

Ang aktor na si Jestoni Alarcon o mas kilala sa tunay na buhay bilang si Anthony Jesus Alarcon ay nasa mahigit tatlong dekada ng aktibo sa kanyang karera sa pag-aartista. At dahil sa kanyang angking husay sa pagiging isang aktor, ay mahigit singkwentang mga pelikula na nga ang kanyang kinabilangan.
Labing-anim na taon lamang si Jestoni ng pasukin niya ang mundo ng showbiz, kung saan naging posible ito ng madiskubre siya ni Vir Mateo. Una siyang lumabas sa telebisyon noong taong 1984 sa pelikulang “Campus Beat” kung saan ay nakasama niya ang aktor na si Aga Muhlach.
Dahil sa taglay na kakisigan at kagwapuhan ni Jestoni ay naging isa rin siya sa mga matinee idols noong dekada 80 hanggang 90. Matatandaan na isa sa mga magagandang aktres na kanyang naka-loveteam noon ay si Rita Avila, kung saan ay inakala nga ng marami nilang mga tagahanga na nauwi sa totoong relasyon ang kanilang tambalan.
Ngunit sa isang panayam noon kay Jestoni ay inamin niya na magkatrabaho lamang talaga sila noon ng aktres, at ng mga panahon nga na katambal niya ito ay mayroon na siyang ibang dine-date. Taong 2000 naman ng magpahinga sa showbiz si Jestoni at piniling makipagsapalaran sa pulitika.
Naka-krus ng landas ni Jestoni ang asawa niyang si Lizzete noong taong 1991 nu’ng kasagsagan nga ng Mount Pinatubo eruption. Dapat ay magiging eskorte ni Lizzette si Jestoni sa isang para, ngunit dahil nga sa naging pagsabod ng bulking Pinatubo ay hindi nakarating ang aktor. bagama’t naudlot ang una nilang pagkikita ay tuluyan naman silang nagkita ng imbitahan sila ng kaibigan nilang si Monet Lu sa isang Japanese restaurant, at sa una ngang naging pagkikita nila ay agad nan a-love at first sight umano si Jestoni at Lizzette sa isa’t isa.
Naging mag-asawa nga sina Jestoni at Lizzette at ang kanilang pagsasama ay nabiyayaan din ng tatlong mga anak na sina Jessica, Angela at Anthony Pierce. Ngayong darating na buwan ng Disyembre ay ipagdiriwang na rin ng mag-asawa ang ika-30 taon nilang anibersaryo. Malaki nga ang pasasalamat nina Jestoni at Lizzette na ang kanilang pagsasama ay umabot na ng ganito katagal. Sa kabila umano ng hindi perpektong relasyon nilang mag-asawa ay na-survived naman nila lahat ng pagsubok na dumaan sa kanila.
Para nga kay Jestoni, dahil sa tagal na nilang kasal ng kanyang misis ay naniniwala na siya na may “forever” basta’t nanatili ang pagmamahal sa isa’t isa at maayos ang pamilya.
Ayon nga kauy Jestoni dahil hindi na sila bumabata ng kanyang asawa, ay mas binibigyan nila ng oras ang pagba-bonding nilang pamilya. kapag pareho nga silang day-off sa kani-kanilang mga trabaho ay nagba-bonding silang mag-asawa kasama ang mga anak nila o kaya naman ay nagta-travel lalo nu’ng panahon na wala pang krisis.
