Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga Artista Na Nagtapos Sa Kanilang Kurso Sa Kolehiyo Bilang ‘Cum Laude’

Published

on

Hindi nga lamang sa telebisyon may ibubuga ang ilan sa mga kilala nating mga artista, dahil maliban sa kanilang taglay na talento sa pag-arte ay may ilan rin sa kanila na nagtataglay ng kamang-manghang sipag at katalinuhan sa pag-aaral,

kung kaya naman ang ilan nga sa kanila ay nakapagtapos sa kolehiyo na may nakuhang parangal na Latin Honors kagaya na lamang ng Summa Cum Laude, Magna Cum Laude, at Cum Laude.
Kilalanin nga natin sa gallery na ito ang mga sikat na nakapagtapos ng kurso sa kolehiyo at nakakuha ng parangal na ‘Cum Laude.’

1. Shamcey Supsup – Lee

Matatandaan na itinanghal na Miss Universe Philippines noong taong 2011 si Shamcey Supsup, at sa patimpalak nga na ito ay pinatunayan niya sa lahat na siya ay hindi lamang basta maganda, kundi may ibubuga rin ang katalinuhan na taglay niya.

Siya ay nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of the Philippines, kung saan ay kinuha nga niya ang kursong Architecture. Hindi nga lamang sa beauty pageant ipinamalas ni Shamcey ang kanyang katalinuhan, dahil buwan ng Hunyo taong 2010 ng siya ay manguna sa Philippines Licensure Examination para sa mga architect kung saan ay nakakuha nga siya ng rating na 86.60%.

2. Carla Abellana

Maliban sa taglay na kagandahan ng Kapuso actress na si Carla Abellana, ay may taglay rin itong katalinuhan na hindi nababatid ng marami sa atin. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Arts sa De La Salle University na may parangal ngang Cum Laude.

3. Giselle Sanchez

Magna Cum Laude naman sa kanyang kursong Broadcast Communication ang aktres na si Giselle Sanchez, na nagtapos sa University of the Philippines.

4. Venus Raj

Latin Honor na Cum Laude ang natapos ng beauty queen na si Venus Raj sa Bicol University sa Legaspi City, kung saan ay kumuha siya ng kursong Communication Arts, Major In Journalism.

5. Myrtle Sarrosa

Nagtapos bilang Cum Laude sa UP College of Mass Communication ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 winner na si Myrtle Sarros. Ang kanyang tinapos na kurso ay BA in Broadcast Communication.’

6. Christine Bersola

Ang kilala at popular na news anchor naman na si Cristine Bersola ay nagtapos rin bilang isang Cum Laude sa kanyang kursong Film-Audio Visual Communication sa University of the Philippines.

7. Melanie Marquez

Si Melanie Marquez na nakilala bilang isa sa mga naging Miss International noon ay natapos ang kanyang kursong Business Administration sa International Academy of Management and Economics (IAME) na may Latin Honor na Cum Laude.