Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga Lalaking Dumaan Sa Buhay Ng Actress Na Si Ellen Adarna

Published

on

Batid ng marami sa atin na isa sa mga pinakamagaganda at pinapantasyang aktres sa mundo ng showbiz ay si Ellen Adarna. Sa kanyang angking kagandahan at pagkakaroon ng balingkinitang katawan, idagdag pa ang kanyang karismang taglay ay tunay na maraming mga kalalakihan ang tunay na nahuhumaling at napapa-ibig sa kanya.

Si Ellen Adarna ay unang nakilala bilang isang modelo, bago pa man niya pasukin ang larangan ng pag-arte. Dahil nga sa kanyang taglay na kaseksihan at pagkakaroon ng magandang mukha, ay madalas siyang nafe-feauture sa mga men’s magazine.

Samantala, ngayon nga ang aktres ay engaged na sa kanyang boyfriend ngayon na aktor na si Derek Ramsay. Ngunit bago nga ang kanyang fiancée na si Derek, sino-sino nga ba ang mga lalaking nagpatibok sa puso noon ng aktres at naging parte ng kanyang buhay. Narito nga at Kilalanin natin ang mga lalaking minsan ng naging parte ng buhay ni Ellen Adarna.

1. JC Intal

Ayon mismo sa naging kumpirmasyon noon ni Ellen, anim na buwan ang itinagal ng relasyon niya sa professional basketball player na si JC Intal.

2. Filo Cueco

Si Filo ay ang naging non-showbiz boyfriend ni Ellen. Nakilala lang ng publiko si Filo ng silang magkasinatahan ay sumali sa “Survivor Philippines.”

3. Raoul Olbes

Inamin noon ng aktres na nagsama sila sa iisang bubong ng binata, at ang kanilang pagsasama ay tumagal ng halos isang taon.

4. Baste Duterte

Noon ay naging usap-usapan ang di umanoy pagkakaroon ng relasyon ni Ellen sa presidential son. Ito nga ay dahil sa kumalat na mga larawan nilang magkasama at tila masaya sa presensya ng isa’t isa.

5. John Lloyd Cruz

Si John Lloyd at Ellen ay nagsama sa iisang bubong noong silang dalawa nga ay magkarelasyon. Nagkaroon pa nga ng bunga ang kanilang naging pagmamahalan, at ito nga ay ang anak ngayon ng aktres na si Elias Modesto.

6. Carlos Lemus

Matapos ang hiwalayang Ellen at John Lloyd, si Carlos Lemus naman ang napabalitang bagong karelasyon ng aktres dahil sa madalas niya itong kasama noon.