Showbiz
Kilalanin Ang Mga Mala Artistang Anak Ng Batikang Aktor Na Si Jestoni Alarcon

Hindi na bago sa marami sa atin ang mapag-usapan ang mga anak ng mga iniidolo nating artista sa mundo ng showbiz, lalo na nga kung ang mga ito ay may artistahin looks din tulad ng kanilang magulang at kung ang iba nga sa kanila ay sumunod na sa yapak ng mga ito at sumabak na rin sa pag-aartista. May ibang mga anak naman ng artista na sa kabila ng pagkakaroon ng karisma at artistahin dating tulad ng kanilang mga magulang, ay mas pinili naman na tahakin ang ibang prospesyon para magkaroon ng pribadong buhay.
Sa industriya ng showbiz, isa sa mga hinahangaan at kilalang aktor si Jestoni Alarcon. Ang kanyang karera bilang isang mahusay na aktor ay nagsimula noong dekada 80, at maging hanggang sa kasalukuyan ay aktibo pa rin siya sa pagiging isang artista.
Maliban sa pag-aartista ay sumabak din si Jestoni sa politika ng siya ay tumakbo bilang Konsehal ng Antipolo City. Siya rin ay nanalo noon bilang Vice Governor ng Rizal at ngayon ay isa naman siya sa mga board member ng naturang lugar.
Hindi lamang naman ag pagiging isang aktor at politician ang pinagkakaabalahan sa buhay ni Jestoni Alarcon, sapagkat abala rin siyang gampanan ang pagiging isa niyang ama sa tatlong anak nila ng misis niyang si Lizette Capili, isang modelo at beauty queen. Silang mag-asawa ay 26-taon ng masaya at matatag na nagsasama.
Dahil sa parehong maganda at gwapo ang lahi ng mag-asawa, ay hindi naman nakapagtataka na ang kanilang mga anak ay manahin ito sa kanila. Kaya naman maliban kay Jestoni, ay nakikilala na rin ng publiko ang tatlo niyang mga anak, dahil na rin sa kagandahan at kagwapuhan na taglay ng mga ito.
Isa sa tatlong anak ni Jestoni ay si Jessica, at hindi man ito isang personalidad sa showbiz ay ipinagmamalaki naman siya ng kanyang magulang dahil sa siya ngayon ay nagtatrabaho sa larangan ng medisina. Ang isa pa nilang babae na anak ay si Angela, na sa kaslukuyan ay isang estudyante pa lamang sa UP Diliman. Si Angela ay isang atleta sa nasabing Unibersidad at kabilang nga siya sa team ng Taekwondo.
Mapapansin na ang dalawang anak ni Jestoni at Lizette ay nakuha ang pinagsamahang kagwapuhan at kagandahan nilang mag-asawa, samantala ang unico hijo naman nila na si Anthony ay marami ang nakapansin na mas malaki ang pagkakahawig nito sa kanyang ama. Sa social media ni Jestoni ay makikita ang pagiging isa niyang proud na padre de pamilya, dahil sa madalas nga siyang magbahagi ng mga larawan ng kanyang pamilya lalo na ang mga bonding moments nila.
Kahit naman kilalang personalidad sa showbiz si Jestoni, ay nanatili naman na pribado ang personal na buhay ng kanyang mga anak. At sa kabila ng pagiging pribado ng buhay ng mga anak ng aktor, ay marami pa rin ang humahanga sa mga ito, indikasyon na rito dumarami nilang mga followers sa kani-kanilang social media account.Patuloy ngang hinahangaan ng maraming netizens ang nagagandahan at gwapong anak ni Jestoni, ito ay sa kabila ng wala pa sa mga ito ang naglalabas ng interes na sundan ang yapak ng kanilang ama sa pagpasok sa mundo ng showbiz.
