Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Nag-iisa At Tanging Babae Na Nagpapasaya Sa Puso Ng Aktor Na Si Joko Diaz

Published

on

Si Joko Diaz ay isa sa mga aktor na hinahangaan sa kanyang husay sa pag-arte, hindi bilang isang bida sa pelikula kundi bilalng kontrabida, na talaga namang nagpapaganda pa lalo sa takbo ng istorya. Siya ay madalas nating napapanood sa mga palabas na ang karakter nga niya ay mga ‘bad guy’.

Matatandaan na ilan sa mga naging karakter niya na talaga namang mahusay niyang nagampanan ay ang pagiging si Sen. Mateo F. De Silva sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Ngunit ang pinaka-tumatatak sa lahat na karakter na binigyang buhay niya ay ang pagiging isang lider sa sikdikato, sa hit series na Kadenang Ginto, kung saan ay nakilala nga siya ilang si Andro Dominggo.

Kung ang pagbabatayan nga natin ay ang mga ipinapakita ni Joko Diaz na personalidad sa kanyang nagiging karakter, ay marahil masasabi natin na napakasama nga ng kanyang pag-uugali. Ngunit, sa tunay na buhay nga, ang personalidad ni Joko, ay malayong -malayo sa mga karakter niya sa telebisyon.

Marahil marami sa atin ang hindi nakakaalam na sa tunay na buhay, ang nakilala natin bilang kontrabida sa telebisyon na si Joko Diaz, ay isa palang mapagmahal at responsableng asawa, at ang mas kahanga-hanga pa sa aktor, ay ang pagiging ‘one-woman man’ nito.

Kahit nga tila pang ‘playboy’ ang datingan ni Joko dahil sa kanyang taglay na karisma at gandang lalaki, ay pinatunayan naman niya na isa siyang lalaking tapat magmahal sa taong kanyang iniibig, ito nga ay dahil hanggang ngayon ay masaya at talaga namang matibay ang pagsasama nila ng babaeng kanyang pinakasalan.

Para sa kaalaman ng lahat, labing walong taon ng kasal ang aktor sa kanyang napakagandang asawa na si Abigail. Sila ngang mag-asawa ay nabiyayaan na ng dalawang anak, at para nga kay Joko ang kanyang pamilya ang itinuturing niyang kayamanan sa kanyang buhay.

Sa kabila naman ng hindi naibabahagi ng mag-asawa ang kuwento ng kanilang pagmamahalan, ay masisilayan naman sa social media account nila kung gaano kasaya ang kanilang pagsasama, at kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Masisilayan din na ang madalas na bondin ng mag-asawa at kanilang mga anak, ay ang mag-travel sa mga magaganda at nakaka-relaks na lugar sa loob at laban ng Pilipinas.

Masasabi ring isang napaka-supportive wife ng asawa ni Joko na si Abby, sapagkat makikita sa social media account nito ang kanyang pag-promote sa mga proyekto na kinabibilangan ng kanyang asawang aktor.

Ipinagdiwang na rin ng mag-asawa ang kanilang ika-19 taong anibersayo, kamakailan lamang , at ang kahilingan nga lamang nila sa araw na ‘yon ay ang patuloy na tumatag ang kanilang pagsasama at marami pang biyaya ang ipangkaloob ng Diyos sa kanilang pamilya.