Connect with us

Inspiring

Kilalanin Ang Nag-uwi Ng P20M Na Estudyante Sa Leyte Matapos Magwagi Sa National Science Competition Kalaban Ang 10,999 Na Kalahok Mula sa Iba’t Ibang Panig Ng Mundo

Published

on

Bawat isang indibidwal ay may kanya-kanyang kakayahan at katalinuhan, ngunit mayroon naman talagang indibidwal na tila nakaaangat ang taglay na husay at talino sa isang bagay na kanyang kinahihiligan.

Tunay naman na sa buhay ng isang tao ay mahalaga sa pag-unlad ang pagkakaroon ng husay, kaalaman at diskarte, plus points pa nga kung ikaw ay may angking kakayahan na magagamit mo pa para mapaunlad ang iyong buhay.

Ganito ang pinatunayan ng isang estudyante mula sa probinsya ng Leyte na kinilalang si Hillary Diane Angdales, isang Grade 12 student. Sa kabila ng mga narasan ay ginamit ni Hillary ang kanyang kaalaman at kahusayan upang ang tagumpay sa buhay ay kanyang makamtan.

Ayon sa kuwento ng dalaga, taong 2013 ng maranasan ng kanilang probinsya ang isang delubyo na dulot ng Bagyong Yolanda kung saan ay isa nga ang kanilang pamilya sa mga naapektuhan. Ibinahagi niya ang pinagdaanan nilang magpamilya noon ngang dumaan ang naturang bagyo.
“We had to run up to our double-deck, kasi we didn’t have a second floor”, aniya.

Dagdag pa niya, dahil sa patuloy n amalakas na ulan at hangin, ay mas lalo pang tumaas ang baha, dahilan para sikapin nila na iangat pa ang kanilang mga sarili hanggang sa steel trusses na nga sila ng bubong nakakapit.

“My dad paunch the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided”, saad pa nga ni Hillary.
Labis naman ang kasiyahan ni Hillary sa kanyang nakamit na tagumpay, kung saan nga ay kanyang ipinamalas ang kanyang kahusayan sa Science.

Sa malaking kumpetisyon na International Science Competition na Breakthrough Junior Challenger ay si Hillary ang nagwagi, kung saan naakalaban nga niya ang 11,000 participants na mula pa sa iba’t ibang dako ng mundo.

Dahil sa kanyang ipinakitang husay at galing, ay ginaran nga ang pride ng Leyte na si Hillary ng grand prize na P2-milyon sa kanyang naging pagwawagi sa nasabing kompetisyon.