Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Nagpapasaya Sa Buhay Ng Sikat Na Herlene Budol O Mas Kilalang Si Hipon Girl

Published

on

Kamakailan lamang ay nasa programang ‘Wowowin’ ang US Navy na si Patrick Bolton, kaya naman nagkita sila dito ni Herlene Budol o mas kilala bilang si ‘Hipon Girl’. Marami ang kinilig sa naging pagtatagpo nilang ito.

Sa kabila nito, ay marami naman sa atin ang hindi nakababatid na sa totoong buhay ay makulay at masaya ang buhay pag-ibig ni Herlene. Ito ay sa piling ng kanyang boyfriend na kinilala ng si Xam Troy Bello.

Noon ngang buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon, ay isang birthday greeting post ang makikita sa Instagram ni Herlene, at ito nga ay ang naging pagbati niya para sa kaarawan ng kanyang boyfriend.
Nang mga pagkakataon ng iyon, ay inamin na ng co-host ng Wowowin, na siya ay mayroon ng boyfriend, at ito nga umano ay hindi pang TV kundi pang reality.

Narito nga ang nilalaman ng mensahe ni Herlene ng batiin niya ang kanyang boyfriend, na naging daan para makilala na rin ito ng publiko. “MAY BOYFRIEND AKOOOOOO HINDI PANG TV PANG REALITY [red heart emoji] TRUE LOVE

Hi my bebe loves Happy Happy Birthday sayo, first of all hanggang dulo I LOVE YOUUU [kissing emoji] Eto lang i promise ko sayo kahit sino dumating ikaw pa din pang tv lang sila ikaw pang reality [couple emoji] madami tayong pinagdaanan kaya wapakels na sa mga chismosa at mga manggugulo.

Walang kilig na makakatumbas sa araw araw mong dulot. Sana maging masaya lang tayo.. salamat sa pagpapasaya at pagiging inspirasyon nandito lang ako palagi para sayo MAHAL NA MAHAL KITA MY BEBELOVES Exam Troy Bello [more red heart emoji].”

Marami nga sa mga manonood at tagahanga ni Herlene ang nais na maging sila ni Patrick, ngunit para nga kay ‘Hipon Girl’ ay pantelebisyon lamang ang mga ligaw na ito, dahil sa kanyang tunay na buhay ay ang boyfriend lang niya ang lalaking mamahalin niya at magbibigay kilig sa kanyang puso.

Samantala ngayon nga maliban sa pagiging isang co-host ng Wowowin, ay nakagawa na rin ng sariling single niyang kanta si Herlene, at ito nga ay ang hit song ngayon na ‘Talikodgenic’. Pinasalamatan naman niya si Lito Camo sa paggawa nito ng kanta para sa kanya, at maging si Willie Revillame na patuloy ang suporta sa kanyang career.