Showbiz
Kilalanin Ang Nakababatang Kapatid Nina Assunta de Rossi At Alessandra de Rossi

Si Assunta at Alessandra de Rossi ay isa lamang sa magkakapatid na kilala sa mundo ng showbiz. Silang magkapatid ay parehong minahal ng madla, hindi lamang sa kanilang ipinakitang galing sa pag-arte ngunit dahil din sa kanilang nakakaaliw na personalidad. Maganda, malakas ang appeal at magaling sa pag-arte, ilan lamang yan sa mga kahanga-hangang katangian ng 38-taong gulang na aktres na si Assunta de Rossi o sa tunay na buhay ay si Maria Assunta Tiotangco Schiavone. Siya ay naging parte ng “The Super Parenta Guardians”, isang coedy series kung saan ay nakasama niya sina Vice Ganda, Coco Martin at marami pang iba.
Tulad ni Assunta ay kilala din bilang isang mahusay na aktres at may taglay na eleganteng kagandahan ang kapatid niyang si Alessandra de Rossi, 37-taong gulang o sa tunay na buhay ay si Alessandra Schiavone de Rossi. Dahil malaking pagkakahawig ng magkapatid ay inaakala nga ng marami na sila ay kambal, ngunit mas matanda nga si Assunta kaysa kay Alessandra.
Samantala, inakala nga ng marami sa atin na sina Assunta at Alessandra ay dadalawa lamang na magkapatid pero sila pala ay mayroon pang kapatid na babae na mas nakababata sa kanila.
Ang nakakababatang kapatid nina Assunta at Alessandra ay kinilalang si Isabel Schiavone na mayroon ding kahanga-hangang ganda. Siya ay naninirahan sa Italya, at bumibisita lamang sa Pilipinas kapag bibisitahin niya ang kanyang pamilya.
Tulad nina Assunta at Alessandra, ay nagtataglay din si Isabel ng pang-modelong katawan. Malaki din ang pagkakahawig ni Isabel sa mga nakakatanda niyang kapatid, mula sa mukha at hubog ng pangangatawan kung kaya naman ‘carbon copy’ nga umano sila ayon sa marami. Parehong may lahing Italian-Filipino ang magkakapatid, at makikita naman ito sa kanilang pisikal na hitsura.
Hindi rin maitatanggi na tulad nina Assunta at Alessandra ay malakas din ang appeal ng kanilang nakababatang kapatid na si Isabel dahil sa kaakit-akit din ang taglay nitong kagandahan at ang pang-modelo nitong hubog ng katawan. Sa kabila naman na nasa Italya si Isabel naninirahan, ay masisilayan naman sa mga larawan ng magkakapatid na malapit sila sa isa’t isa. Makikita sa mga larawan na kapag nagkakasama silanng magkakapatid ay madalas silang nagba-bonding.
