Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napaka Cute At Napaka Gandang Batang Anak Ni Natalie Hart

Published

on

Natatandaan niyo pa ba ang aktres na si Natalie Hart? O sa tunay na buhay ay si Princess Tinkerbell Cristina Marjori Pedere? Ang 27-taong gulang na aktres, na unang nakilala ng publiko ng isa siya sa maging finalist ng ika-5 season ng talent show ng GMA-7 noon na Starstruck.

Ayon sa ilang mga artikulo, bago pa man tuluyang mapasok ni Natali Hart, ang mundo ng showbiz at maging isang kilalang aktres, ay nauna muna itong naging kalahok noong taong 2008 ng ABS-CBN star magic batch 16.

Si Natalie Hart, ay kilala ng publiko bilang isang aktres, na mayroong magandang mukha at nakakamanghang hubog ng pangangatawan kaya naman, ang pagsikat at pagiging popular ay hindi naging mailap sa kanya.

Dahil sa kanyang pagkakaroon ng katawan na talaga namang kamangha-mangha sa kaseksihan, ay na-feature siya bilang cover ng FHM Philippines, noong buwan ng Mayo taong 2018.
Samantala, matapos ang ilang taon niyang karera bilang isang aktres sa Philippine showbiz industry, taong 2018, ng mag-paalam si Natalie sa kanyang mga tagahanga. At ito nga ay matapos niyang magdesisyon na siya ay pansamantala munang maninirahan sa New Delhi, India.

Matatandaan pa, na ang huling pelikula, kung saan ay napanood natin si Natalie Hart ay sa pelikulang may titulong ‘Abay Babes’ na ipinalabas noong taong 2018.
Sa naging pag-alis ngang ito ng aktres sa bansa, at pag-iwan ng kanyang karera, ay umugong ang mga bali-balita, na ang naging dahilan ng kanyang pag-alis, ay dahil sa siya ay buntis.

Hindi man kinumpirma ni Natalie ang isyu na ito patungkol sa kanyang pagbubuntis, ay mayroon namang larawan ang nasabing aktres na lumabas noong buwan ng Setyembre 2018, kung saan ay mahahalata na ito ay mayroon ng baby bump.

Ginawa mang pribado ni Natalie Hart ang kanyang Instagram account, ay mayroon pa ring mga larawan niya sa social media, ang kumalat sa social media. Makikita nga sa ilang mga larawan na ito ng aktres, na ang madalas niyang kasama ay ang kanyang Indian partner, at mayroon pa ngang ibang larawan kung saan mapapansin na siya ay mayroong suot suot na engagement at wedding rings.

Noon ngang ika-6 ng Pebrero, ay isinapubliko na ni Natalie Hart, na siya ay mayroon ng anak, at ito ay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan nito sa kanyang social media account.
Kalakip nga ng larawan na ito na ibinahagi ng aktres, ay ang caption na;

At ang iba pa nga niyang post ay may caption naman na;“Hi I’m penny. I love mama’s milk, sleep and playing. Yipee ”Sa ngayon nga ay naninirahan si Natalie Hart sa Sydney, Australia kasama ang kanyang anak.

Hindi naman ibinahagi ni Natalie, kung kailan ang eksaktong buwan at araw, ng naging pagsilang niya sa anak niyang si Penelope, ngunit matatatandaan na noong buwan ng Setyembre 2018, sa isang panayam sa kanya ng PEP.ph, ay ibinahagi niya na ang kanyang nakatakdang panganganak, ay ika-4 ng Enero 2019.

Hulyo 2018, ng unang aminin ni Natalie Hart sa publiko, na siya ay buntis, at ang ama nito ay ang kanyang Indian boyfriend, na isang businessman. Nang mga panahon na iyon, ay nasa ika-apat na buwan na ng kanyang pagbubuntis ang aktres.
Hanggang ngayon, ay wala pang anumang kumpirmasyon kung kailan magbabalik showbiz si Natalie Hart.

Marami naman sa kanyang mga tagahanga, ang masaya sa para sa aktres, lalo na’t nakikita nila kung gaano ito kasaya at nag-eenjoy sa buhay niya bilang isang ina habang nasa bansang India o paminsan minsan ay sa bansang Australia.