Connect with us

Uncategorized

Kilalanin Ang Napaka Cute At Napakagandang Unica Hija ni Jacky Forster

Published

on

Marami ngayon sa mga batang artista ang kilala at hinahangaan sa mundo ng showbiz, ito ay hindi lang dahil sa ipinamamalas nilang talento at husay, kundi dahil na rin sa unang naging matunog ang pangalan nila dahil sa kani-kanilang mga magulang na nasa larangan rin ng pag-aartista unang nakilala.
Tila nga magiging isa sa mga ito ay ang unica hija ng dating aktres na si Jacky Foster sa kanyang asawang si Michel Franken na si Caleigh.

Matatandaan na si Jackie Foster ay nakilala at sumikat sa showbiz noong dekada 90. Maliban ppa dito ay kilala rin siya bilang ang dating asawa ng aktor at basketball player na si Benjie Paras, kung saan sila ay mayroong dalawang anak na lalaki na sina Andre at Kobe Paras.

Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula na kinabilangan ni Jackie Foster ay ang pelikulang “First Time..Like a Virgin!”, “Tusong Twosome”, “Sanggano’t Sanggago” at “Geron Olivar.” Naging kalahok rin siya noon sa programang “Survivor Philippines.” Maging ang mga anak rin ni Jackie Foster na sina Kobe at Andre Paras ay kilala na rin sa mundo ng showbiz bilang mga aktor, kaya naman masasabi nga natin na tila nasa dugo na nga nila ang pag-aartista. Kaya naman hindi na magiging kagulat-gulat kung balang araw ay pasukin rin ng unica hija ni Jackie na si Caleigh ang mundo ng showbiz.

Si Caleigh ay 10-taong gulang na ngayon, at sa murang edad nito ay kapansin-pansin na ang pagiging showbiz material nito dahil sa kanyang taglay na kabibohan, pagiging fashionista, pagiging photogenic at higit sa lahat ay mga talentong talaga namang kahanga-hanga kagaya na lamang ng pagkanta, pagsayaw, pag-host at pag-arte.

Kung bibisitahin ang social media account ni Jackie Foster, ay masisilayan dito ang kanyang madalas na pagbabahagi ng mga larawan ng kanyang napakagandang unica hija. Kapansiin-pansin pa nga na magkasingganda ang mga-ina. Kita rin sa mga larawan ni Caleigh, na kahit ito ay 10-taong gulang pa lamang ay napakabibo nito at taglay na ang pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili.

Base rin sa iba pang mga larawan ng unica hija ni Jackie, ay napakafashionista rin nito, at talaga namang photogenic kaya hindi na magiging kagulat-gulat kung kalaunan ay maging modelo ito. Ipinakita rin ni Jackie, ang iba pang mga telento na taglay ng kanyang anak, kagaya na nga lamang ng galing nitoo sa pagkanta, pag-host at pagsasayaw.

Samantala, ayon naman sa ilang mga ulat, noon umano ay hindi ganito kaaktibo si Caleigh dahil sa nagkaroon siya ng Juvenile Myelomonocytic Leukemia. Pero dahil sa pag-aalaga ng pamilya, at pagiging matatag ni Caleigh ay matagumpay niyang nalagpasan ang naturang karamdaman at ngayon nga ay malakas na at bibong bibo na siya.

Ayon naman kay Jackie, malaki ang naitulong ng pagkanta ni Caleigh sa paglakas ng kanyang mga baga.
Ngayon nga ay makikita kay Caleigh n amalakas at aktibo na ito, at hindi imposible na kalaunan ay sundan nito ang yapak ng kanyang ina at pasukin ang mundo ng showbiz upang ipamalas ang kanyang mga kamangha-manghang talento.