Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakaganda At Isang Beauty Queen Na Asawa Ni Francis Leo Marcos

Published

on

Si Francis Leo Marcos, ay naging viral noon sa social media ng ibahagi niya sa kanyang Facebook account ang naging pagtulong niya sa mga nangangailangan, sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng isang truck na puno ng sako-sakong bigas.

Kamakailan nga lamang ay muli siyang napag-usapan sa social media, ng ipinakilala naman niya sa publiko ang kanyang misis na isa ngang beauty queen, sa pamamagitan ng isang video na kanyang ini-upload.

Ang beauty queen na misis ngang ito ni Francis Leo ay kinilalang si Mayu Eustaquio Murakami, isang Filipino-Japanese beauty queen. S a naging ulat ay isa si Mayu sa mga naging top 10 finalist at 2nd-runner up sa talent competition sa Mutya ng Pilipinas na ginanap noong taong 2016.

Siya’y ikinasal kay Francis Leo Marcos noong ika-29 ng Hulyo taong 2019. Kung saan sa kabila ng 12-taon na agwat ng kanilang mga edad sa isa’t isa, ay hindi naman ito naging hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa. Nasa 27-taong gulang pa lamang kasi si Mayu, samantalang ang kanyang mister na si Francis ay 39-taon na.

Sa ngayon nga ay buntis na si Mayu sa magiging panganay na anak nila ni Francis Leo Marcos. At habang nagbubuntis ay sa bansang Japan muna ito naninirahan. Mina-manage rin niya ang negosyo nila sa nasabing bansa.

Ayon sa mga naging ulat, isa sa mga paboritong bonding nina Mayu at Francis Leo, ay ang pagtugtog ng piano, kung saan ay tinutugtog ni Mayo si Francis. Mahilig rin umano si Francis Leo sa musika, sa katunayan ay hilig nito ang tumugtog ng gitara.

Ipinanganak sa bansang Japan si Mayu, noong ika-21 ng Oktubre 1992, at dito rin siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral. Nagtapos siya sa Gakushuin Women’s College sa Tokyo, Japan sa kursong Bachelor of Arts in English Communication.

Makikita naman sa larawan ng mag-asawang Mayu at Francis Leo, na masaya at maayos ang kanilang pagsasama.

May mga larawan rin ang asawa ni Francis Leo sa social media, kung saan makikita ang taglay nitong kagandahan, na talaga namang pang beauty queen. Naging-agaw pansin namang muli sa social media si Francis Leo Marcos, dahil sa pagkakaroon nila ng napakagandang asawa.