Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakaganda At Mala Artistang Anak Ni Dimples Romana Na Si Callie Romana

Published

on

Bilang mga magulang, nais natin ay ang mabigyan ng maayos at magandang buhay ang ating mga anak. Ayaw rin natin na makaranas sila ng sobrang paghihirap sa buhay, kaya naman as long as kaya nating mga magulang ay talagang ginagawa natin ang lahat ng bagay maibigay lamang ang pangangailangan at nais ng ating mga anak.

Hindi rin maitatanggi na tayong mga Pinoy, ay isa sa mga pinaka mapagmahal sa ating pamilya lalo na sa ating mga anak. At tulad ng ng maraming mga magulang, ang ating mga celebrity parents din ay nais ang mabigyan ng maganda at maayos na buhay ang kanilang mga anak, tulad na lamang ng isa sa mga popular na artista ngayon na si Mommy Dimples Romana.

Matagal-tagal na rin ng magsimula ang aktres na si Dimple Romana sa industriya ng showbiz, ngunit ang kanyang naging best project ay ang Kapamilya Serye na “Kadenang Ginto” kung saan ay mas kilala siya bilang isa sa magagaling na aktres sa industriya dahil sa ipinakita niyang galing sa pag-ganap niya bilang si Daniela Mondragon.

Ang tunay na pangalan sa totoong buhay ng 35-taong gulang na actress/commercial endorser na si Dimples Romana ay Dianne Marie Romana Ahmee. Nitong nakaraan lamang ay namangha ni Dimple ang publiko dahil sa ipinakita niyang suporta sa pangarap ng kanyang dalawang anak na si Callie at Alonzo.

Ibinahagi din ni Dimple, na sa lahat ng magagandang bagay dito sa mundo ay ang kanyang pamilya pa rin ang pinaka importante para sa kanya. Matapos nga ang naging busy schedule ng aktres sa kanyang mga proyekto at endorsement, ay nawalan siya ng oras at panahon sa kanyang pamilya kaya naman masaya silang makapagbakasyon sa bansang Finland.

Ngunit maliban pa nga sa pagbibigay ng oras at panahon sa pamilya, mas nais bigyan ng oras ngayon ni Dimple ang makabonding at magkaroon ng maraming oras kasama ang kanyang anak na si callie, dahil sa isang taon ay naninirahan muna ito sa Australia upang doon tuparin ang pangarap nitong maging isang piloto.

Proud na proud naman si Mommy Dimples sa anak niyang si Callie, dahil sa alam niyo kung ano ba talaga ang nais nitong tahakin na career sa kanyang buhay.

Kahit pa nga ba kinakabahan at natatakot siya dahil sa unang beses na mawawalay sa kanya ang anak, upang tuparin ang pangarap nito ay ginagawa ng aktres na patatagin ang kanyang sarili sa araw-araw.
Ibinahagi rin ni Dimple, na si Callie ay isang responsable at mapagmahal na anak. Nakikita niya rin sa anak ang isang dalagang may mabuting kaisipan at kalooban.