Showbiz
Kilalanin Ang Napakaganda At Matalinong Engineer Na Kapatid Ni Niňo Muhlach

Si Niňo Muhlach o sa tunay na buhay ay kilala bilang su Angelo Jose Rocha Muhlach ay isa sa mga sikat na aktor sa industriya ng showbiz. Noong kanyang kabataan ay isa din siya sa mga kinagiliwang child star sa showbiz dahil sa kanyang taglay na ka-charmingan at kabibohan. Batid natin na sa larangan ng showbiz ay kilala naman talaga ang pamilya Muhlach, kung kaya naman hindi na nakapagtataka kung ang bawat miyembro ng kanilang pamilya ay talaga namang may taglay na kagandahan at kagwapuhan na pang artistahin.
Samantala, marahil ay marami sa atin ang hindi nakababatid na si Niňo ay mayroong maipagmamalaking napakaganda at matalinong kapatid na babae. Ang kapatid nga na babae ni Niňo ay si Angela Muhlach, na nagtataglay nga ng artistahin na kagandahan at magandang hubog ng pangangatawan. Sa kabila ng taglay na katangian na pang-artista naman talaga, ay hindi pinasok ni Angela ang pag-aartista, sa halip ay pinili nitong magkaroon ng ordinaryong buhay. Nakapagtapos ng pag-aaral si Angela at sa kanyang katalinuhang taglay ay isa na nga siyang Engineer.
Kursong Industrial Engineer ang natapos ni Angela sa De La Salle University, kung saan dahil sa kanyang husay at taglay na talino ay nakatanggap siya ng parangal. Lingid rin sa kaalaman ng lahat na talaga namang proud na proud ang pamilya Muhlach kay Angela dahil siya ang kauna-unahang Engineer sa kanilang pamilya, at para nga kay Angela ay isa itong karangalan na talaga namang maipagmamalaki niya.
Kahit naman abala sa kanyang propesyon bilang isang Engineer si Angela ay hindi naman niya nakakalimutang maglaan ng oras para sa kanyang sarili. Upang ma-enjoy din ang kanyang buhay ay madalas na nagta-travel sa iba’t ibang mga lugar sa loob at labas ng bansa si Angela.
Makikita sa social media account ni Angela ang mga pagbabahagi niya ng mga larawan na kuha sa iba’t ibang bansa na kanyang pinuntahan, kagaya na nga lamang nito ay ang ilang mga magagandang lugar sa Europa. Binisita nga niya ang London, Paris, Spain, Hollan at Rome. Nagtungo rin siya sa Netherlands noong taong 2014.
Ayon pa sa ulat, 21 taong gulang pa lamang si Angela ay talaga namang nagta-travel na siya, kung saan noon ngang 2015 ay nagtungo sia sa Ocean City Skydiving Center sa Amerika. Sinubukan pa nga niya ang mag sky diving. Pagdating naman sa kanyang relasyon sa pamilya ay masasabing ‘daddy’s gilr’ si Angela dahil siya ay malapit sa ama niyang si Alexander Muhlach, kung saan ito nga ang madalas niyang nakaka-bonding.
Maliban nga sa pagkakaroon ng magandang karera at mapagmahal na pamilya, ay makulay din ang buhay pag-ibig ni Angela dahil siya ay masaya sa piling ng boyfriend niyang si Alfonso Hortaleza, na isang General Manager sa Prime Global Finance Corporation.
