Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakagandang Anak Ni Aiko Melendez Na Parang Pinagbiyak na Bunga

Published

on

Madalas nga nating naririnig ang katagang “like mother like daughter” lalo na kung nakakakita tayo ng mag-ina, na halos pinagbiyak ang bunga sa laki ng hawig sa isa’t isa, hindi lang sa pisikal na kaanyuan kundi maging sa kanilang taglay na pag uugali.

Para sa isang ina, ay talaga namang napakagandang marinig na ang iyong anak ay iyong kamukha, lalo na kung batid mong ang iyong “good genes” ang namana nito sa iyo.
Halimbawa na nga lamang nito ay ang batikang aktres na si Aiko Melendez, na hindi maikakaila, na naipasa ang kanyang taglay na kagandahan sa kanyang anak, lalo na sa kanyang anak na babae.

Matatandaan na si Aiko Melendez, ay nagsimula sa kanyang karera sa showbiz noon pang 80’s kung saan ang kanyang mestisang kagandahan ay isa sa mga magagandang mukha sa telebisyon na madalas nating napapanood at hinahangaan. Hindi rin maikakaila na sa taglay niyang ganda, ay maraming mga binata noon ang nahumaling o humanga sa aktres.

Hanggang ngayon nga ay aktibo pa rin si Aiko Melendez sa kanyang karera sa showbiz, kung saan ay napapanood natin siya sa ilang mga pelikula at teleserye sa telebisyon.
Isa sa mga hindi malilimutang karakter na kanyang ginampanan ay ng maging kontrabida siya sa buhay ng karakter ni Maja Salvador, sa serye noon ng Kapamilya network na “The Wild Flower”

Matapos nga ang seryeng ito ni Aiko, ay nagdesisyon ang aktres na lumipat sa rival network GMA 7, kung saan doon na natin siya napapanood ngayon. At ang kanyang pinaka latest na seryeng kinabibilangan ay ang “Prima Donas”

Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig ni Aiko, ay marami ang nakababatid sa atin na noon ay nagkaroon ng relasyon ang aktres sa kanyang ka-loveteam na aktor, na si Jomarie Yllana. Ang kanilang relasyon ay tumagal ng tatlong taon 2000-20003, at sila ay nabiyayaan ng anak.
Ngunit maliban nga sa anak na lalaki ni Aiko kay Jomarie, ay mayroon ding anak na babae ang aktres, at ang ama nito ay ang kanyang naging pangalawang parter na si Martin Jickain.

Ikinasal si Aiko kay Martin, noong taong 2006 ngunit nauwi ito sa paghihiwalay taong 2010. Sa kabila nito, ay mayroong anak na babae ang dalawa, at ito ay si Mathena Jickain, ang napakagandang anak ni Aiko, na talaga namang kamukhang-kamukha niya.

Si Mathena Jickain, ay nasa pangangalaga ni Aiko, kaya naman madalas na makikita sa mga larawan ng aktres na kasama niya ang kanyang anak na babae.
Makikita nga sa mga larawan ng mag-ina, ang malaking pagkakahawig nila sa isa’t isa dahil kung titingnan ang mukha ni Mathena ay para talaga itong si Aiko Melendez noong kabataan nito.

Ayon sa ilang mga ulat patungkol kay Mathena, ay hindi lang ito basta maganda, kundi sporty din ito, dahil sa isa itong player ng volleyball sa paaralang pinapasukan nito.
Posible naman na magkaroon ng magandang karera sa mundo ng showbiz ang napakagandang anak ni Aiko na sa Mathena, kung dumating ang araw na maisipan nito na sundan ang yapak ng kanyang ina, na maging isang aktres.