Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakagandang Bunsong Anak Ni Dawn Zulueta Na Si Ayisha

Published

on

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa beteranangaktres na si Dawn Zulueta? Ang kanyang angking husay sa pagiging isang artist sa mundo ng showbiz ay talaga namang hinangaan ng maraming mga manonood. Malibansa pa rito ay kapuri-puri rin para sa marami ang taglay niyang kagandahan noon maging hanggang ngayon, lalo na’t wala pa rin itong kakupas-kupas.

Ngayon ay mayroon ng dalawang anak si Dawn, ang panganay niya ay isang lalaki at babae naman ang bunso, kung saan ito nga ang unica hija ng kanilang pamilya.
Si Ayisha Madlen Lagdameo ang unica hija ng aktres na si Dawn Zulueta na kamakailan nga lamang ay tumuntong na sa edad na 12, matapos nitong magdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan lamang.

Makikita sa Instagram account ni Dawn kamakailan lamang ang naging pagbati niya sa kanyang anak na si Ayisha para sa pagdiriwang nito ng ika-12 taong kaarawan. Kalakip naman ng mensahe niya ng pagbati ay ang larawan ng kanyang anak, kung saan ay makikita nga na sa edad nitong 12 ay taglay na nito ang kagandahan na talaga namang hahangaan ng marami.

“[three flower emoji] We wish you a birthday that is beautiful, incredible, and unique as you are. Happy 12th birthday, dearest Ayisha [three birthday cake emoji] I love you so much… #iloveyouayisha#22june”
Ayon nga kay Dawn noon lamang ika-22 ng Hunyo nagdiwang ng ika-12 taong kaarawan ang kanyang bunsong anak. Mababasa rin sa kanyang naging caption ang naging pagpapahatid niya ng kanyang pagmamahal para sa anak niyang si Ayisha.

Matapos ngang i-post ni Dawn ang naging pagbati niya sa kanyang anak ay agad namang bumuhos ang napakaraming mga komento ng pagbati para sa kanyang bunsong anak. Maliban sa mga pagbati, ay marami rin sa mga netizens ang pinuri ang taglay na kagandahan ni Ayisha, kung saan ay sa edad nga nito na 12 ay kitang-kita na ang pagiging ganap na dalaga nito.

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng pagbati para kay Ayisha;
“Happy birthday ayisha… the carbon copy of mama… both gorgeous”
“Happy birthday, Ayisha! Stay beautiful inside and out!”

“Happiest Birthday Ayisha.. grabe super ka-look alike mo si mama” “Ma, 15 na ko, pero mas mukha ka pang dalaga kesa sa akin ayisha” “From your little girl and now growing into a very fine lady.. Happy Birthday Ayisha.. Mama @dawnzulueta”