Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakagandang Kapatid Na Babae Ni Doug Kramer

Published

on

Hinahangaan ng publiko ngayon ang ipinapamalas na pagmamahalan nina Brandy Kramer at Arvin Tolentino, dahil sa talaga namang wagas ang pagmamahal na kanilang ipinadarama sa isa’t isa. Si Brandy Kramer ay ang napakagandang kapatid ni Doug Kramer, at ang kanyang ngang asawa n a si Arvin ay kilala naman bilang PBA player ng kupunan ng Ginebra.

Buwan ng Hulyo taong 2019 ng ma-engaged si Brandy Kramer sa sikat ay mahusay na manlalaro ng PBA na si Arvin. At ang kanilang ngang napakatamis na pag-iibigan ay nagsimula ng matiyagang ligawan ng baskebolista ang kapatid ni Doug Kramer.

Noon umanong nag-aaral pa ang dalawa, ay matiyagang dinarayo ni Arvin ang San Beda kung saan nag-aaral si Brandy, para nga lamang makasama at makita ang dalaga. Si Arvin noon ay nag-aaral sa Ateneo, kaya naman talagang matiyaga ang ginawa niyang panliligaw kay Brandy. At sulit naman ang paghihirap niya na ligawan ang dalaga, dahil ngayon ay hindi na nga lamang sila basta magkasintahan, ngunit ganap nan gang mag-asawa.

Nito lamang ngang nakaraan naganap ang pag-iisang dibdib nina Brandy at Arvin, kung saan isa lamang itong simpleng seremonya ngunit puno naman ng pagmamahalan. Tanging ang pamilya lamang nilang dalawa ang dumalo sa at nakasaksi sa kanilang pag-iisang didbib, dahil nga sa mga restriksyon na ipinagbabawal ngayon dulot ng krisis.

Sa kabila naman na hindi magarbo ang naging kasal ng dalawa, ay makikita naman na labis nag kasiyahan na kanilang nadarama ngayong sila ay kasal na, dahil ang pagiging isa nila at sumpaan nila sa harap ng altar ang tangi nga namang mahalaga.

Samantala, para sa espesyal na araw na ito sa buhay ni Brandy, ay makikita naman sa Instagram ng mag-asawang Doug at Cheska Kramer ang kanilang nakaantig na mensahe ng pagbati para sa bagong kasal.
Ayon sa naging mensahe ni Doug, proud na proud siya sa kapatid niyang si Brandy at masaya siya na natagpuan nito sa katauhan ni Arvin ang hinahangad nitong wagas na pag-ibig. Dagdag pa niya,

nakatitiyak siya na hindi pababayaan ni Arvin ang kanyang kapatid, bagkus ay pakamamahalin at aalagaan nga ito habangbuhay.m Maliban pa dito, ay nagbigay payor rin si Doug para sa dalawang bagong kasal, kung saan ay kanya ngang sinabi na upang mas maging matibay at matatag ang relasyon at pagsasama nilang mag-asawa ay kailangan na ang Panginoon ang maging sentro nito.

Gaya ni Doug ay tanging hanagad din ni Cheska para kana Brandy at Arvin ay ang masayang pagsasama ng mga ito bilang mag-asawa. At sa kabila nga na hindi ito ang inaasahan nilang kasal para sa dalawa, ay nasaksihan naman nila na ito ay punong-puno ng pagmamahal, kasiyahan at emosyon. Nagbigay pa nga ng isang bible verse si Cheska, dahil alam niya na ang kaganapan sa naging kasal ni Brandy at Arvin ay inilaan ng Panginoon.

“Therefore, what God has joined together, let not man separate. – Matthew 19:6” Tunay ngang ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan ay hindi nababase sa garbo ng okasyon, dahil ang tanging mahalaga ay ang wagas na pagmamahal na iaalay nila sa isa’t isa, kagaya na nga lamang ng pag-iisang dibdib nina Brandy at Arvin.